^

True Confessions

Mga mata sa butas (Ika-90 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

PINAANDAR na ng matandang Saudi ang pickup at pinatakbo. Sa pagkakasandal ni Pacita sa upuan, ipinauubaya na niya ang sarili sa matandang ito na hulog ng langit sa kanya sa gitna ng disyerto. Ang matandang ito ang kanyang tagapagligtas.

Habang tumatakbo, ay tinatanong siya ng matanda kung natatandaan ang mga kabataang nang-rape sa kanya. Tumango si Pacita at sinabing anak ng amo niya ang isa sa mga nang-rape sa kanya at ang dalawa pa ay mga kabarkada nito.

Napatangu-tango ang matanda. Mabilis pang pinatakbo ang sasakyan. Hindi alam ni Pacita na nakatulog pala siya sa pagkakasandal sa upuan. Nang magmulat ay nasa harap na sila ng police station. Tinulungan siya ng matanda na makababa sa pickup at pinapasok sa loob ng presinto. Marunong ang matanda sapagkat sa mga pulis siya dinala para makapaghain ng reklamong rape. Tinanong siya ng isang imbestigador sa mga pangyayari. Saglit lamang ang pagtatanong at pagkaraan ay inihatid siya sa isang klinikang malapit sa presinto. Isang mabait na babaing Egyptian nurse ang nag-asikaso sa kanya roon. Ito ang tumulong sa kanya para maihatid sa Philippine Embassy.

Ang ipinagtataka ni Pacita ay hindi na niya nakita ang matandang lalaking Saudi na tumulong sa kanya sa disyerto. Tinanong niya sa nurse na Egyptian kung nakita ang matandang lalaki. Wala raw nakita ang nurse.

Naisip ni Pacita, hindi kaya isang anghel ang matandang tumulong sa kanya?

Sa Philippine Embassy humantong si Pacita. Doon niya nakilala ang iba pang mga babaing ginahasa, tumakas at minaltrato ng amo. Kabilang nga roon si Mely na isa rin palang rape victim tulad niya. (Itutuloy)

HABANG

ISANG

ITUTULOY

KABILANG

KANYA

PACITA

PHILIPPINE EMBASSY

SA PHILIPPINE EMBASSY

TINANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with