Mga mata sa butas (Ika-54 labas)

(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

"ANG laki nito. Baka magalit si Inay kapag nalaman niyang binigyan mo ako ng P500…" sabi raw ni Pacita kay Benjo.

"Paano naman niya malalaman?"

"Hnidi ko matatanggap ito," sabi raw niya.

"Ang arte mo naman, binibigyan na nga kita e tinatanggihan mo pa!"

Hindi raw siya nakapagsalita.

"Tanggapin mo na," sabi pa ni Benjo at idinuldol ang natuyong P500.

Tinanggap na niya.

"Kaya lang me hihilingin ako…" sabi ni Benjo.

"Ano?"

"Kapag magpapahilod ako, huwag kang tatanggi…"

"Kaya mo pala ako binigyan dahil me hihilingin ka…"

"Iyon lang naman e. Mahirap ba yon?"

"Kasi baka mahuli tayo ng inay ko."

"E ano naman kung mahuli niya na hinihiluran mo ako. Para hilod lang…"

"Sige na nga…" sabi raw niya.

"Hindi lang P500 ang ibibigay ko sa iyo sa sunod – P1,000 na."

Nakatingin siyang tila humahanga kay Benjo dahil sa pagiging galante. Saan nga kaya nanggagaling ang pera ng lalaking ito, tanong daw niya sa sarili. Napansin din niya na mas madalas pang lumalabas ang kanyang ina kaysa kay Benjo. Ang alam niya, hindi na nagpuputa ang ina niya. Pero laging lumalabas at may bitbit sa plastic bag. Kaya madalas na silang dalawa na lamang ni Benjo ang nasa bahay kung umaga. Sa hapon ang klase niya.

Nasunod ang kagustuhan ni Benjo na kapag maliligo ay magpapahilod sa kanya sa likod. Bahala na. Para iyon lang. Madali lang namang gawin iyon.

Minsang hiluran niya si Benjo ay hindi sinasadyang nabasa siya. Nagbuhos kasi agad si Benjo kahit na naroon pa siya sa loob ng banyo. Basang-basa ang puting t-shirt niya. Bumakat ang mga suso niya sa t-shirt. Nanlaki ang mga mata ni Benjo.

"Wow!" nasabi nito.

Bigla siyang lumabas sa banyo. (Itutuloy)

Show comments