Mga mata sa butas (Ika-45 labas)
June 12, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh,KSA)
NAISIP daw ni Pacita ang mga paalala ng kaklase niyang si Lucia. Mag-ingat daw siya kay Benjo. At tila nga nagkakaroon na ng katotohanan dahil nga sa mga ginagawa nito kapag binibigyan siya ng pera. Padaplis na hinihipuan siya. Nang bigyan nga siya ng pera ay halos mahipo na ang kanyang "ari". Inaabot na iyon. Mabilis lamang niyang naiwaksi ang kamay na nakadukot sa bulsa ng kanyang palda.
Binalak niyang isumbong sa ina ang ginawa subalit pakinggan kaya siya. Nakikita niya na halos sambahin ng kanyang ina si Benjo. Pakiramdam niya, puwede siyang palayasin ng ina sa bahay pero si Benjo ay hindi. Mas kakampihan si Benjo kaysa kanya. Iyon ang nadarama niya base sa nakikita niyang pagkahumaling ng kanyang ina sa lalaki. Parang Diyos si Benjo kung pagsilbihan ng ina. Kulang na lamang ay paliguan o baka nga pinaliliguan na. Nakikita kasi niya ang dalawa na sabay pumapasok sa banyo. At habang nasa loob ay animoy mga bata na masyadong maingay na para bang naglalaro ng tubig.
Mas kakampihan ng ina si Benjo kaya nagdadalawang isip siya kung isusumbong ang ginagawang pasimpleng panghihipo. Isang patunay din na mas mahal ng ina si Benjo ay nang murahin siya nito dahil sa hindi niya pagtawag ng "Tito Benjo" rito.
"Wala kang modo. Kung hindi sa kanya wala tayong lalamunin. Sa sunod na tawagin mo siyang Benjo, tatamaan ka sa akin!" sabi ng ina na halos lumabas ang ugat sa leeg dahil sa galit.
Hindi naman siya makasagot sapagkat alam niyang tatamaan siya. Nakatungo lamang siya habang nagsasalita ang ina. Nang magtaas siya ng paningin ay nakita niyang nakangisi si Benjo sa kanya. Nakatayo ito sa may pintuan ng banyo.
Itutuloy

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended