NAPAKAINIT ng katawan ni Ninang Joy. Nakapapaso. Dahil sa mataas na lagnat ay parang nahihibang na habang natutulog. Umuungol. Nabahala ako.
Tinabihan ko sa pagkakahiga. Pinakiramdaman ko kung umeepekto ang gamot. Inorasan ko. Every four hours dapat uminom ng gamot. Sa kanya ko rin natutuhan iyon. Bahagya kong kinumutan. Kapag binalot ng kumot ang isang nilalagnat ay baka tumaas pa ang lagnat. Sa kanya ko rin natutuhan iyon. Sa kanya ko rin pala iaaplay.
Sinalat ko ang suot niyang t-shirt. Basa ang gawing likuran. Delikado kapag natuyuan ng pawis. Tumayo ako at kumuha ng t-shirt sa aparador. Pati panty ay ku-muha rin ako.
Sabi niya sa akin noon, mas mabuti kung pupunasan nang maligamgam na tubig ang may lagnat. Nagpainit ako ng tubig. Pagkatapos ay hinaluan ko ng rubbing alcohol. Pampababa raw ng temperature ng katawan.
Hinubad ko ang t-shirt niya. Sinimulang punasan sa leeg pababa sa malulusog na boobs. Tulog na tulog pa rin siya. Matindi ang tumamang lagnat sa kanya.
Pagkatapos mapuna-san ay binihisan ko ng t-shirt. Isinunod kong alisin ang kanyang panty. Pinunasan ko. Pati ang kasi-ngit-singitan at hindi ko pinatawad. Siya rin ang maysabi na ang init sa katawan ay namumuo sa kilikili, singit at iba pang bahaging nakatago.
Pagkatapos kung punasan ay sinuklayan ko ng buhok. Pakiramdam ko magaan na ang katawan niya. Nawala na ang pag-ungol niya habang natutulog at hindi na rin gaanong giniginaw.
Kinabukasan, mababa na ang lagnat ni Ninang. Tuwang-tuwa ako.
"Okey ka na?" tanong ko nang makitang gising na siya.
"Okey na," sagot niya.
"Mainit na mainit ka kagabi. Kinabahan tuloy ako."
"Salamat sa pag-aasikaso at pag-aalala "
"Hindi ako papasok ngayon. Babantayan kita," sabi ko.
"Baka hanapin ka sa opisina nyo," sabing nag-aalala.
"E ano? Kung gusto nila tanggalin na ako. Pero hindi kita iiwan. Baka kung anong mangyari sayo."
May nakita akong luhang gumulong sa pisngi ni Ninang, (Itutuloy)