HINDI ako humihinga habang abala sa "pagdukot" ang lalaki sa loob ng palda ng kanyang siyota. Hindi na rin ako kumukurap sapagkat baka hindi ko makita ang serye ng "pagdukot".
Naalala ko tuloy ang aking ginagawa sa probinsiya noon kapag sumasama sa aking mga pinsan sa ilog para manghuli ng talangka at hipon. Dinudukot namin ang mga talangkang nakatira sa bumbong na kawayan o sa mga butas nang malala-king kahoy na nakababad sa tubig. Para makuha ang talangka, dahan-dahan ang pagdukot at baka masipit. Masakit din kapag nasipit ng talangka. Ilang beses na akong nasipit.
Pero sa nakikita ko ngayon na pagdukot ng lalaki sa babae, walang palatandaang may sisipit sa kanya. Magaan na magaan ang ginagawang pagdukot at pagsasaliksik ng lalaki. At ako ang unti-unting tinatangay. Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi pa dapat sa tulad kong bago pa lamang umaakyat sa pagbibinata. Pero pakiramdam ko, binata na talaga ako.
"Takbo! Takbo! Diyos ko! Aabutan! Aabutan!"
Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Ate Tet. Sayang! Nang muli kong ibaling ang tingin sa dalawang estudyante, tapos na ang "dukutan". Makalipas lang ang ilang sandali, tumayo na ang dalawa at umalis. Sayang!
(Itutuloy)