Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-26 labas)
August 8, 2004 | 12:00am
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. y sadyang binago ng awtor.)
UMIINOM pala ng alak si Ate Tet. Sa tipo ay parang hindi. Edukadang tingnan. Sabagay baka naman mayroong birthday party sa pinuntahan. May nagpainom siguro. Maski sa probinsiya namin ay may mga babaing umiinom ng lambanog. Katuwaan lang. At siguro napilitan si Ate Tet dahil gustong malimutan ang lungkot ng paghihiwalay nila ni Kuya Felipe. Masamang-masama ang loob ni Ate Tet dahil sa pag-alis kahapon ni Kuya patungong Saudi. Umiyak pa nga.
Kinabukasan ay naunahan ko pang magising si Ate Tet. Nakapagsaing na ako at nakapagprito na ng itlog para sa almusal ay tulog pa rin si Ate Tet. Hinayaan ko. Maaga pa naman. Hindi naman siguro siya mali-late sa opisinang pinagtatrabahuhan. Secretary si Ate Tet sa isang kompanya na hindi na niya binanggit ang pangalan.
Naligo ako at nagbihis para pumasok sa school. May exam ako ng araw na iyon. Mag-aalas-siyete na ay hindi pa bumabangon si Ate Tet. Baka ma-late sa office.
Ipinasya kong katukin sa kuwarto. Kinatok ko. Walang sagot. Katok pa uli ako. Wala. Pinihit ko na ang door knob. Bukas pala.
"Ate Tet..." tawag ko bago tuluyang pumasok. Walang sagot. Pumasok na ako.
Nakahilata sa kama. Nag-urong-sulong ako kung papasok. Ako ang nahiya sa kanyang ayos sa pagkakahiga sa kama. Burara ang pagkakahiga. Parang sa isang bold star ang posing. Ang maluwang na t-shirt ay nakalilis hanggang sa may puno ng dibdib at naka-panty lang. Gusto ko nang umatras. Pero kailangang gisingin.
"Ate Tet! Ate Tet!"
Saka lamang kumilos. Nagmulat ng mata. Parang nananaginip sa pagkakatingin sa akin.
"Mag-si-seven na. Mali-late ka."
Saka lamang nagkawisyo. At saka rin parang nahihiya sa ayos sa pagkakahiga na tinakpan ng kumot ang harapan.
Mabilis naman akong lumabas ng kuwarto. Ilang sandali pa ay kasunod ko nang lumabas. Naka-shorts na.
"Papasok na ako Ate," sabi ko.
"Kumain ka na?"
"Opo."
"Teka, baon mo " bumalik sa kuwarto at kinuha ang wallet.
Sa harapan ko dumukot. Singkuwenta.
"O "
"Ang laki naman nito."
"Sige na."
"Salamat Ate."
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended