SA isang maliit na kuwarto sa Vicente Cruz St. (dating Trabajo) kami lumipat ni Kuya Felipe. Mas maliit iyon kaysa dati naming inupahan sapagkat halos ang tulugan namin ay iyon na rin ang kainan.
"Magtiis muna tayo rito," sabi ni Kuya Felipe. "Kapag nakakita tayo nang mas maganda lilipat tayo."
"Puwede na ako rito Kuya?"
"Mahirap. Walang privacy dito."
Naisip ko, problemado si Kuya Felipe sakali at magdala siya ng babae sa kuwarto. Wala silang pupuwestuhan. Masikip ang mundo. Hindi puwede ang "pangangabayo" dahil makikita ko.
Tinupad ni Kuya Felipe ang sinabi wala pa kaming isang taon sa kuwartong iyon ay lumipat kami sa isang maayos na apartment sa Earnshaw St. Nasa third year na ako niyon. May dalawang kuwarto ang apartment. May sariling banyo.
Doon sa apartment na iyon naging sunud-sunod ang pagdadala ni Kuya Felipe ng babae. Halos linggu-linggo ay may dala. At isa sa mga dinala niya roon si Ate Tet.
(Itutuloy)