Laro sa Putikan (Ika-148 labas)
July 9, 2004 | 12:00am
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia
(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
SINABI ko kay Kuya Jeff na meron nang naghihintay na trabaho sa kanya. Matagal ko nang naayos iyon sakali nga at hindi suwertehin ang tindahan niya. Naihanda ko na ang muling pagbabalik niya sa Riyadh.
"Janitor ba ako?"
"Hindi! Biro lang yung sinabi ko kanina. Sa supply section ka ng ospital. Di ba iyon ang trabaho mo dati?
"Oo."
"Kaya maghanda ka na sa pag-aaplay."
"Parang nahihirapan naman akong magpasya ngayon. Kasi maiiwan ang dalawang bata."
"Para naman sa kanila kaya pupunta ka rito di ba. Ipaunawa mo sa kanila."
"Problem ko kung saan dadalhin ang dalawa?"
"Doon sa pinagdalhan mo noon ,sa kamag-anak mo."
"Iyon nga ang naiisip ko."
"Mag-aplay ka na bukas na bukas din," sabi ko. "Akong bahala sa placement fee."
"Gagawin ko yan. Atat na nga rin akong maka-punta diyan. Gusto kong makita kita."
Sapat na ang mga sinabing iyon ni Kuya Jeff para lalo rin naman akong masabik sa kanya.
Pagkalipas ng isang linggo ay tumawag muli ako kay Kuya Jeff. Kinukumusta ang nangyari sa application niya.
"Okey na. Problema lang yung passport ko dahil expired na.
"Mga ilang linggo kaya bago malaman ang flight mo Kuya Jeff.
"Mga isang linggo raw."
"Ang tagal!"
"Mabilis na iyon."
"Dalhan mo akong pasalubong ha?"
"Anong pasalubong?"
"Dalhan mo ako ng santol o sampaloc."
"Sige. Saging ayaw mo?"
Napahagikgik ako. Kasiy may bahid kabastusan ang pagkakasabi niya sa "saging".
Isang linggo ang lumipas at tumawag ako kay Kuya Jeff. Ayos na raw. Susunod na buwan ay darating na siya.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am