(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
ANG isang iningatan namin ni Kuya Jeff ay ang may makakita sa amin o may makakilala na tagaroon sa aming lugar sa Maynila. Sa Saudi Ara- bia ay napakaraming Pinoy. Sa Riyadh na lamang ay halos kayumangging balat na ang makikita dahil sa dami ng mga makikitang Pinoy lalo na kung Huwebes o Biyernes. Kung hindi mag-iingat maaaring may makakita sa amin at kumalat nang kumalat hanggang sa makarating sa Pilipinas ang lihim.
Kaya ang gina-gawa namin hindi na kami gaanong lumalabas kung Huwebes o Biyernes. Kapag Lunes na walang gaanong tao sa Batha at ibang shopping malls kami lumalabas at namamasyal o nagsa-shopping.
"Mahirap na may makakita at malaman ang sekreto natin dito Kuya Jeff. Tayo ang magiging kontrabida. Magkasama kasi tayo rito."
"Ako wala nang kinatatakutan."
"Ikaw dahil tinorotot ka. Paano ako? Sasabihin dalagang nasa ilalim ang kulo. Pati bayaw pinatulan."
"Huwag mong isipin yon."
"Hindi ko maaaring hindi isipin."
"Basta tayo ang magkasundo walang problema."
"Natatakot kasi ako."
"Natakot ka na naman."
"Kung maghiwalay muna tayo kahit pansamantala lang."
"Subukan mo at magpapasagasa ako sa Arabo o tatalon sa building namin."
Naguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin.
(Itutuloy)