^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-62 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


SUMUNOD na Biyernes ay sinabihan ko si Kuya Jeff na huwag na munang pumunta sa housing namin at asikasuhin naman ang sarili niya o kaya’y mamasyal sa mga gusto niyang puntahan.

"Saan naman ako pupunta?" tanong nito.

"Sa Batha. Kapag Biyernes, maraming Pinoy doon."

"Maganda lang magpunta roon kapag may pera. Kung wala rin lang perang tulad ko, huwag nang magpunta roon."

"E ba’t naman wala kang pera?"

"Pinadadala ko nga lahat kay Ate mo."

"Sabi ko naman sa’yo magtira ka kahit 200 riyals."

"Gusto mo awayin ako niyon? Kaya nga ayaw ko nang tawagan sa phone e babangayin lamang ako."

Napapansin ko na walang bagong damit o pantalon si Kuya Jeff. Paulit-ulit na lamang ang isinusuot kapag nagpupunta sa housing. Siguro nga’y wala ngang maibili dahil pinadadala lahat.

"Nu’ng minsang tawagan ko para batiin ng happy birthday, nagalit pa. Kailangan daw niya ng pera kaya gawin ko ang lahat para madagdagan ang pinadadala ko sa kanya."

Hindi ako nagsalita. Kung ano ang problema noon, ganito rin ngayon.

"Kaya nga gusto ko ako na lang ang maglalaba at magpaplantsa ng damit mo. Kaysa sa iba mo pa palabhan. Pandagdag din sa padala."

"E puwede naman kitang bigyan kahit na hindi ka maglaba o maglinis dito…"

"Ayaw ko nang ganoon. Kung nagtrabaho ako bayaran mo. Huwag mo akong bibigyan."

Nang hapong iyon ng Biyernes ay binigyan ko siya ng 500 riyals.

"Ang laki naman nito," natutuwang sabi.

"Bumili ka ng damit at pantalon. Kakaawa ka naman," sabi ko.

"Salamat ha. ‘Yang Ate mo ni hindi ko naringgan ng ganyan."

"Dapat kasi, magkaroon ka naman ng kaunting tapang sa kanya."

"Hindi ko kaya."

Sumunod na Biyernes ay hindi nagpunta si Kuya Jeff. Sumunod ay hindi rin. Nag-alala na ako.

Ikatlong Biyernes siya sumulpot.

"Nagkasakit ako," sabi.

(Itutuloy)

AKO

BIYERNES

IKATLONG BIYERNES

KAPAG BIYERNES

KAYA

KUYA JEFF

NAMAN

SA BATHA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with