^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-33 na labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


 


"HUWAG mo akong sasabihang maarte," sabi kong may tigas kay Kiko matapos kong sampalin. Natulig sa sampal ko. Tumalim ang mata. Galit.

"Maarte ka naman talaga," sabi. "Aayaw-ayaw ka pero ang totoo e gusto mo rin. Malibog ka rin naman di ba?"

"Bastos. Hayop!"

"Sa itsura mo na lang, tipong kumakain ka rin ng burat!"

"Hayop!"

Umakma akong sasampalin muli si Kiko pero nahawakan ang kamay ko at marahas akong hinalikan. Nagpipiglas ako pero parang bakal ang nakahawak sa akin.

Sa higpit ng pagkakahawak ay hindi ako makakilos. Hinalikan ako sa pisngi, sa leeg at kinagat-kagat ang aking taynga. Nagpipilit akong makawala pero walang silbi, malakas ang kalaban.

Naisandal ako sa pader at lalo nang nagkaroon ng puwersa si Kiko para ako madikdik. Patuloy ang paghalik sa akin. Dumako sa aking boobs. Nahirapang humalik doon. Ikinilos ang kanang kamay at hinaklit ang suot kong t-shirt. Punit. Umalagwa ang malalaking ‘‘papaya’’. Parang hayok na hayok na si Kiko. Parang lalaking kabayo na may isang taon nang hindi nakakatikim ng babaing kabayo. Sinibasib ang mga ‘‘papaya’’. Kinagat. Napa-aray ako. Pero wala iyon kay Kiko. Hayop! Parang batang pasusuhin ang walanghiya na ayaw bumitaw kahit nasasaktan na ang ina.

Matapos magsawa sa mga papaya ay sinimulang ibaba ang siper ng suot kong maong pants. Marahas na talaga na parang hindi na niya ako kilala. Isasakatuparan ang hindi nagawa noon. Naisip ko, delikado ako. Mare-rape ako ng walanghiya kapag hindi ako gumawa ng paraan.

Naalala ko ang mga tip na nabasa sa isang magazine kapag nasa ganoong sitwasyon, magkunwari sa attacker na gusto rin ang gusto niya. Ganoon nga ang ginawa ko. Nagkunwari akong hot na hot na rin at gusto nang ituloy niya ang anumang gusto.

Lumuwag sa pagkakapit si Kiko.

Nang makalingat ito ay mabilis akong nagtungo sa comfort room at doon nagkulong, doon ako umiyak nang umiyak. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kagat ng walanghiya sa aking utong.

Narinig ko ang pagtawag ni Kiko. Nagsu-sorry. Nabigla lamang daw.

"Tang-ina mo umalis ka na! Tatawag ako ng guwardiya."

Narinig ko ang yabag papaalis at ganoon din ang pagbukas at pagsara ng pinto. (Itutuloy)

vuukle comment

AAYAW

AKO

AKONG

DUMAKO

GALIT

HAYOP

KIKO

NARINIG

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with