Jamias (Ika-87 labas)

(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 5 Command)

MATIYAGA, masipag, responsable, dedikadong pulis-Maynila, lahat ay maitatawag na kay Jamias pero mas may higit na maitata-wag pa sa kanya, at iyon ay ang isang pagiging mabuting ama.

Sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang trabaho bilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) hindi niya kinaliligtaan ang tungkulin sa kanyang tatlong anak. Ang tatlong anak ang mga "anghel" nila ni Goody. Kahit na pagod na pagod na siya hindi niya binibigo ang kanyang mga anak sa pangako rito. Kung wala silang operasyon, kahit na gabing-gabi na ay pinipilit niyang umuwi ng bahay para sa kanyang tatlong anak at siyempre pa ay kay Goody.

Matatalino at mababait ang kanyang mga anak. Ang kanyang panganay ay si Elmer Denmark, sinundan ni Venice at ang pangatlo ay si Elmer Denverko.

Kapag off niya sa trabaho ay namamasyal silang mag-anak at kumakain sa labas. Hindi niya kinalilimutan ang obligasyon. Lagi nang prayoridad niya ang kanyang pamilya. Kaya nga ba nang mga panahong nagtatampo si Goody sa kanya dahil sa hindi niya pag-uwi dahil sa police operation nila ay hindi siya mapalagay. Problemado siya at hindi maipaliwanag kay Goody na ganoon talaga ang buhay ng isang pulis. Mabuti’t naunawaan siya ng maunawain at mapagmahal niyang si Goody.

Marami siyang pangarap para sa kan- yang pamilya. At ang pangarap na iyon ay ang kanyang aabutin. Pilit na pagsisikapan. Ganoon siya bilang ama at asawa.

(Itutuloy)

Show comments