^

True Confessions

'Pinatawad' (58)

- Ronnie M. Halos -
JAMIAS (Tunay na kasaysayan ni P/ Sr. Supt. Elmer M. Jamias, WPD Station 5 Commander)

"HUWAG mo akong pababayaan Colonel," sabing nagsusumamo ni Liza na para bang ama na ang turing kay Jamias. Nakakita ng kakampi.

"Relax ka lang. Akong bahala," sabi niya at tinungo ang itinurong kalye ni Liza. Ipinasok sa kalye ang jeep.

"Saan ang bahay n’yo?" tanong niya.

"Yon pong may puting gate na maraming Christmas lights."

Tinungo ni Jamias ang tinurong gate. Itinigil sa tapat. Nasulyapan ni Jamias ang ilang mga bata at ilang kalalakihang nakatayo sa di-kalayuan. Sa dako pa roon ng kalsada ay may mga lalaking nag-iinuman.

"Halika na," yaya ni Jamias kay Liza.

Bantulot pa si Liza.

"Akong bahala."

Bumaba si Liza. Nauna si Jamias sa paglakad. Diniinan ang doorbell sa gate. Maya-maya, isang babaing may 50 anyos marahil ang lumabas.

"Magandang Pasko po," sabi ni Jamias.

"Liza!" sabi ng babae.

"Ma!" sagot ni Liza.

Dali-daling lumapit ang ina kina Jamias at Liza. Binuksan ang gate. Pagkabukas ay agad niyakap ng ina si Liza. Para bang alam na ang nangyari kay Liza. Umiyak si Liza. Pumasok sila sa loob. Nakita ni Jamias ang dalawang lalaki sa loob na hula niya’y mga kapatid ni Liza.

Ikinuwento ni Jamias ang buong pangyayari. Pati ang problema ni Liza.

"Sorry, Ma."

Umiyak ang ina. Pero kasunod ang pagpapatawad.

Sumulyap si Jamias sa relo niya: 11:45.

Nang inaakalang ayos na ang mag-ina. Nagpaalam na si Jamias. Tiyak na naghihintay na si Goody.

"Colonel Jamias, salamat sa pagtulong mo sa aking anak," sabi ng ina.

"Wala pong anuman. Tungkulin ko yon. Subaybayan n’yo lang siyang mabuti," iyon lang at umalis na si Jamias.

(Itutuloy)

AKONG

BANTULOT

COLONEL JAMIAS

ELMER M

JAMIAS

LIZA

MAGANDANG PASKO

SR. SUPT

UMIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with