MULA nang mag-graduate sila ni Ding sa Araullo High School ay wala na siyang balita tungkol dito. Naisip ni Elmer na baka nag-abroad na ang kanyang kaibi-gan. At siguro rin, si Goody o si Segundina Ramirez ang napangasawa nito. Sayang! nasabi ni Elmer. Type talaga niya si Goody pero dahil kaibigan si Ding, nangi-mi siyang ligawan din ang magandang babae.
"Tumatanda ka na, Elmer kaya mag-asawa ka na. Bigyan mo kami ng apo," ng nanay niya.
"Hindi pa naman ako matanda Nanay. Saka wala pa akong makitang pumapasa sa panlasa ko," sagot niya. Hindi pa nga siya gaanong katanda para magmadali sa pag-aasawa.
Gusto rin niyang sabihin, na kung mag-aasawa siya yung kamukha ni Goody ang gusto niya.
Walong buwan bago sumapit ang kanyang 26th birthday noong November 21, 1987, hindi akalain ni Elmer na makikita si Goody. Ang akala niya ay namamalikmata lamang siya at matagal na tinitigan ang babaing iyon na nasa labas ng Dizon Travel Agency sa Roxas Boulevard bago natiyak na si Goody nga iyon. Paanoy napaka-ganda. Lumutang ang Spanish beauty.
At kung may dapat siyang pasalamatan sa muling pagkukrus nila ng lan-das ni Goody iyon ay walang iba kundi ang mga rallyists sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard. Dahil sa rally kaya naroon ang team ni Elmer.
(Itutuloy)