^

True Confessions

'Masarap tumulong' (17)

- Ronnie M. Halos -
Jamias (Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer M. Jamias, WPD Station 2 Commander)

KINABUKASAN, tinawagan ni Elmer ang isang kaibigan para humingi ng tulong na maipasok ng trabaho si Andoy. Hindi naman siya nabigo sapagkat nang oras ding iyon ay sinabi ng kanyang kaibigan na papuntahin sa kanyang opisina si Andoy. Gagawing mensahero. Tamang-tama sapagkat marunong mag-drive si Andoy. Si Elmer naman ang nabunutan ng tinik sapagkat hindi siya nabigo sa pangako kay Andoy.

Pinuntahan din niya kaagad si Andoy ng araw na iyon sa tirahan nito at sinabihang mag-report sa opisina ng kaibigan.

"Maraming-maraming salamat po Sir," sabi ni Andoy kay Elmer na parang maiiyak.

"Magpasalamat ka rin sa Diyos, Andoy. Ginawa lang niya akong instrumento," sabi niya. Nakita niya ang matinding kasayahan sa mukha ni Andoy.

Habang pauwi si Elmer ay magaan ang kanyang pakiramdam sapagkat nakatulong siya sa kapwa. Kung hindi kaya siya ang nakausap ni Andoy habang nasa gitna ng riles, nasaan na kaya ito ngayon. Baka lasug-lasog na ang katawan dahil sa sagasa ng tren o dyipni. Siguro nga’y sinadya ng pagkakataon na doon siya dumaan sa España St. para mailigtas ang buhay ng isang nawawalan ng pag-asang nilalang. Sa dakong huli naisip ni Elmer na hindi lamang pagdurog sa mga masasama ng lipunan ang tungkulin nilang mga pulis kundi pati na rin ang magbigay ng inspirasyon at magbigay ng pag-asa sa nalalabuang isipan.

Makalipas ang dalawang buwan, dumalaw si Elmer kay Andoy. Malaki ang pagbabago sa buhay ni Andoy, napansin ni Elmer.

Ang mga anak nito ay hindi na nanlilimahid. Maayos ang bahay. Nagkaroon ng dekorasyon. May nakita siyang mesa at mga upuang plastic.

Nagpabili kaagad ng softdrink si Andoy sa anak na panganay.

"Mayroon na akong pambili ng softdrink, Sir," sabing nakangiti.

"Okey ba ang trabaho?" tanong ni Elmer.

"Okey na okey, Sir. Napakabait ng amo ko."

"Paghusayan mo lang at panatilihin ang pagiging matapat," payo ni Elmer.

"Kahit hindi mo sabihin yan, Sir ganyan ang gagawin ko..."

Ang mga salitang iyon ay nagbigay nang lalo pang kasiyahan kay Elmer. Naibulong niya ng pasasalamat sa Diyos. Salamat at naiayos niya ang buhay ni Andoy.

(Itutuloy)

ANDOY

DIYOS

ELMER

ELMER M

ESPA

JAMIAS

POLICE SUPT

SI ELMER

SIR. NAPAKABAIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with