Susie san: Japayuki (Ika-55 labas)
October 14, 2003 | 12:00am
(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)
ALAM ko, nakita ng asawa kong si Toshi si Roy. Mula sa may pinto ng banyo ay tanaw kasi ang tao sa labas.
"Umalis ka na hayop ka!" sabi ko kay Roy.
"Gusto mo magwala ako rito?"
Natahimik ako. Tiningnan ko si Toshi, wala na ito. Nasa aming silid na marahil.
"Hindi ka ba maru-nong umintindi sa usapan? Narito ang asawa ko," pigil ang boses ko.
"Alam ko. Wala na akong pera. Anong kakainin ko?"
"Kabibigay ko lang sayo last week."
"Last week pa yon. Ano ako hindi kumakain?"
"Iuubos mo sa shabu!"
"Gusto mo pumasok pa ako para makita na nang tuluyan ng asawa mong sakang. Gusto mo?"
Talo ako sa pagkakataong iyon. Wala akong magagawa kundi ang bigyan ng siya ng pera. Dumukot ako sa aking bulsa at ibinigay iyon kay Roy.
"Magbibigay ka rin pala, ang dami mo pang satsat."
"Umalis ka na bago ka makita ni Toshi."
"Asan ang anak ko?"
"Natutulog."
"Hihiramin ko sa isang araw."
Gusto kong mabaliw sa pagkakataong iyon.
Nang makaalis si Roy ay hindi pa rin ako mapalagay. Baka nakita ni Toshi si Roy at nagtataka.
Napasukan ko si Toshi sa aming kuwarto na nagbabasa ng magazine. Tumabi ako sa pagkakahiga sa kanya. Hinimas ko ang dibdib. Hinihintay ko kung itatanong niya sa akin kung sino ang lalaking kausap ko kanina. Subalit wala siyang tinanong. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended