Maria Soledad (Ika-28 Labas)
May 19, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
SA namimintog na tiyan ni Inay nakatutok ang mga mata ni Tatay. Si Ate Neng naman na noon ay apat na taong gulang na ay nakatingin lamang kay Inay. Inosenteng-inosente.
"Akala ko wala pa kayo" sabi ni Inay kay Tatay nang makalapit. Yumakap si Inay kay Tatay. Subalit ang yakap ay walang nadamang init. Bagkus ay para pang nandiri.
"Kanina pa kami. Naiinip na nga si Neng," sabi ni Tatay at tumingin uli sa tiyan ni Inay.
"Ang laki na ng anak ko," sabi ni Inay at hinalikan si Ate Neng. Medyo asiwa si Ate Neng nang halikan ni Inay. Iniiwas ang mukha pero napupog ni Inay ng halik sa noo.
"Umalis na tayo!" sabi ni Tatay at napaigtad si Inay.
Tinungo nila ang kinapaparadahan ng owner type jeep ni Tatay. Sa unahan sumakay si Inay sa tabi ni Tatay. Si Ate Neng ay nasa likod. Pinaandar ni Tatay ang jeep. Nang umandar ay sumilakbo na ang tinitimpi. Alam naman ni Inay na darating ang pagkakataong iyon.
"Tang-ina, halatang-halata na pala yan!"
Hindi sumagot si Inay. Nakatingin sa direksiyon na kanilang dinadaanan.
"Kala ko, ang bait ng amo mo, iyon pala manyak. Putang-ina. Pindeho ako."
Hindi sumasagot si Inay. May sumusungaw ng luha sa mga mata niya.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na ka sana nag-Saudi."
Gustong sumagot ni Inay at sabihing "ikaw ang may gustong mag-Saudi ako di ba?" pero hindi na niya sinabi. Tiyak na gulo ang mangyayari.
"Kapag nakakita ako ng Arabo rito, baka makapatay ako. Ang daming mare-rape na Pinay na katulong ikaw pa ang napag-interesan."
Tumulo na ang luha ni Inay.
"Baka naman nilandi mo?"
Gimbal si Inay. Parang tumigil ang ikot ng mundo.
"Baka ikaw ang kusang nagpakita ng motibo."(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended