Maria Soledad (Ika-16 na labas)
May 7, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
SUBALIT ang pagsisisi at pagkakonsensiya ay madali rin namang mawala sa utak. Lalo na kapag naaalala ni Inay ang una nilang pagniniig ni Mohammed. Matamis, masarap, nakakikiliti. Paano niya malilimutan iyon? Ewan ni Inay pero noon lamang daw niya naranasan ang ganoon. Siguroy dahil sa matagal na ring naghahanap ang kanyang katawan. Aywan daw niya. Mahal niya si Mohammed at kahit na may bumubulong na huwag na siyang makipagniig dito, hindi iyon nakapangyari.
Ikalawang pagniniig nila ni Mohammed ay nang sunduin siya nito sa Batha isang araw ng Biyernes. Hindi raw niya alam kung bakit ipinag-utos ni Mohammed sa kanya na magdala ng ekstrang bandanang itim na pantakip sa mukha bago sila lumabas ng bahay. Dati naman ay hindi siya inuutusan ng ganoon.
"Le maza," tanong niya kung bakit kailangang magdala ng ekstrang bandana.
"Bastah. Huwag ka nang tanong?"
Kumuha si Inay ng ekstrang bandana.
Nang nasa sasakyan na sila ay binigyan siya ng insruksiyon ni Mohammed. Isuot daw niya ang bandana hanggang sa matakpan ang buong mukha niya. Ginawa niya. Para na siyang isang Araba. Sa Saudi, halos lahat ng babae roon ay may talukbong na itim. Hindi na malalaman kung isang Saudi o Pinay ang naka-abaya dahil may takip nga ang mukha.
Kinahapunang sunduin siya ni Mohammed sa Batha ay nagtaka si Inay kund bakit dinala siya sa isang lugar na madalang ang kabahayan. Deretso sila sa isang puting bahay na parang posporo ang yari. Ipinasok niya ang sasakyan sa loob at nakita raw ni Inay ang isang lalaking katiwala na sa tingin niyay Sri Lankan.
"Arjukome dukhol," sabi sa kanila ng katiwala.
Sumunod sila sa katiwala. Pumasok sila sa loob. Deretso sa second floor. Binuksan ang isang kuwarto roon at pagkatapos ay umalis na ang katiwala.
"Tafaddal ela telk al-ghorfa," sabi ni Mohammed. Pumasok na raw sila sa loob.
Parang motel pala iyon. May malaking kama. May sariling banyo. Malinis sa loob. Halatang marami ang nagpupunta roon.
Sinimulan siyang hubaran ng abaya. Hindi siya makatanggi.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended