Kumilos ang amo at lalo lamang umingit ang kamang bakal. Lumangitngit na para bang kulang na kulang sa langis ang mga turnilyo. Nag-alis ng saplot ang amo at lumantad ang balahibuhing dibdib. Mula dibdib pababa. Gumagapang hanggang sa tiyan patungo sa kaangkinan na naghuhumindig sa pagkasabik. Ang disyerto ay kayang-kayang diligin ng ulan.
Gusto ni Inay iyon. Sa mga oras na iyon wala siyang ibang naisip kundi silang dalawa sa kuwadradong silid. Hindi niya naisip si Tatay at si Ate Neng. Maski ang mabait na among si Mariam ay hindi na nagkaroon ng puwang sa kanyang isipan. Tao siya na madaling makalimot.
Ang kanilang pagsasalo ay binabasag paminsan-minsan ng ingit ng kamang bakal at mahinhing ingay ng aircon.
Dinilig ng masaganang tubig ang kauhawan ng disyerto sa bahaging iyon ng Riyadh. Nabuhay ang ilang halaman nang makasipsip ng katas. (Itutuloy)