^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-7 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

NAGPAUMANHIN si Mariam sa pagiging marumi ng silid. Matagal na raw hindi nalinis sapul pa noong umalis ang kanilang dating Pinay na maid. Naisip daw ni Inay kaya siguro marunong nang putol-putol na Ingles ang mag-asawa ay sapagkat may nakasama ng Pilipino.

"She is from La Union," sabi raw ni Mariam at ang pangalan ay Lily. Ikinuwento na umalis lamang sapagkat namatay ang ama. Hindi na raw bumalik sapagkat nakapag-asawa na. Matagal silang walang maid. Ayaw naman nilang kumuha ng iba sapagkat mas masipag daw ang Filibin o mga Pinoy.

"Mafi muskila Filibin,"
sabi pa na nakatawa ni Mariam.

Pagkuwa’y iniwan na siya at sinabi pang sana’t makapag-adjust agad siya sa Saudi Arabia.

Nalaman ni Inay na isang colonel sa Saudi Navy si Mohammed. Ang asawang si Mariam ay isang teacher. Wala pang anak.

Unang gabi ni Inay ay hindi siya nakatulog. Mahirap mag-adjust. Nakadagdag sa hindi pagdalaw ng antok ang mga iniwan sa Pinas na sina Tatay at Ate Neng. Ano na raw kaya ang ginagawa ng dalawa. Baka iyak nang iyak si Ate Neng. Baka kapag iniwan sa kanyang biyenan ay mapabayaan. Baka mahulog at kung anu-ano pang isipin ang nagpahirap para dalawin siya ng antok. Sa isip daw ni Inay baka hindi siya tumagal sa pagsisilbi sa mag-asawang Saudi. Baka mga ilang buwan lamang ay magpaalam na siya.

Kinabukasan, ipinaliwanag ni Mariam ang kanyang mga gawain. Maglilinis ng bahay, maglalaba, maglilinis ng bakuran, iyon lamang. Ang pagluluto ay si Mariam na ang gagawa.

Isang linggo lamang ay kabisado na umano ni Inay ang mga gawain. Hindi na kailangang turuan pa.

"Kuwais Filibin,"
sabi raw sa kanya ni Mohammed isang umaga habang dinidilig niya ang namumungang dates sa bakuran.

"Shokran, moder,"
sagot naman daw niya. (Itutuloy)

vuukle comment

ATE NENG

FILIBIN

INAY

KUWAIS FILIBIN

LA UNION

MARIAM

MATAGAL

SAUDI ARABIA

SAUDI NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with