Koronang tinik (Ika-53 labas)

(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

PAKIRAMDAM ko ng mga sandaling iyon, lalaking-lalaki ako. Macho guwapito. Hindi na sumagi sa isipan ko na kapwa ko babae ang aking nilalaro at kinakalikot. Natangay ako lalo na nang magpakita ng kakaibang "tapang at bangis" si Chona. Super init ang "siling labuyo". Mas malikot siya at mas maraming alam kaysa kay Jean. Mas bata kasi at nagkaroon na ng boyfriend. Hindi na birhen. Kita ko ang ebidensiya. Maluwang na ang dinaanan ng makinaryang pumasok sa liblib at magubat na lugar. Ang ipinagtataka ko, kung ano ang ginawa ko sa kanya ay ginawa rin niya sa akin. Iba talaga si Chona, mas mapangahas kaysa kay Jean. Wala nang hinhin na natira kay Chona. Bigay todo na. Wala nang kiyeme pa.

"Galing mo pala," sabi sa akin pagkatapos.

"Ikaw din. Sabi mo konti lang ang "L" mo. Dami pala!"

Kinurot ako sa hita.

"Ayaw mo ng ganoon?"

"Type."

Kinurot uli ako sa hita.

"Paano tayo?" tanong ko.

"E di tayo na ngayon..."

"Yung boyfriend mo?" hinuli ko gayong hindi naman ako sigurado kung may siyota nga siya.

"Wala na. Tinuhog lamang ako ng walanghiya."

"Ilan bang naging siyota mo?" tanong ko.

"Tatlo na. Yung isa prof ko pa sa History, yung dalawa classmate ko," sabi at bahagyang humagikgik.

"Ako pa lang ang T-Bird?"

"Oo. Masarap pala. Tama ang sabi ng iba."

Sa sinabing iyon ay parang umalsa ang dibdib ko. Naisip ko si Jean na nagsabing "sira ulo" ako. Hindi lang siya ang babae. Maraming babae sa mundo at mas may alam pa kaysa sa kanya. (Itutuloy)

Show comments