^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-17 labas)

- Ronnie M. Halos -
NAGUGULUHAN ako sa nakikitang kakaibang pagmamalasakit ni Inay sa bayaw kong si Rocky. Pero pinatay iyon ng mga narinig ko kay Ate na bihira ang katulad ni Inay na nakasusundo ang manugang. Pinupuri ni Ate ang ginagawa ni Inay na pag-asikaso kay Rocky. Dahil nga naman malaki na ang kanyang tiyan at hindi na niya magampanan ang tungkulin kay Rocky, si Inay na ang inaasahan niya roon. At maririnig ko pa nga si Ate na uutusan si Inay na ipaghanda ng pagkain si Rocky lalo na sa umaga ganoon din ang ipampapaligo. "Ipag-init n’yo ng tubig si Rocky Inay. Masyadong malamig ang tubig e baka magkasakit ‘yan," sabi ni Ate. Sasagot naman si Inay, "Kanina ko pa nagawa ‘yan. Alas kuwatro pa lamang e gising na ako. Nakahanda na ang lahat para sa asawa mo."

At makikita kong nasisiyahan si Ate sa mga ginagawa ni Inay. Si Tatay naman ay balewala ang ganoon. Okey lang sa kanya kung mas nagiging mahalaga si Rocky sa timbang ng pag-aasikaso. Mabait nga kasi si Tatay. Walang masamang tinapay. Walang pakialam. Walang problema.

Nang manganak si Ate ay lalo nang naging masigla si Inay. Isang magandang sanggol na babae ang naging anak nina Ate.

"Kamukha ko yata," sabi ni Inay nang magpunta kami sa ospital at silipin sa nursery ang aking pamangkin.

Si Rocky ay katabi ni Inay habang nakatunghay sa sanggol.

"Matangos ang ilong at ang puti. Tulad sa iyo Rock," sabi ni Inay na pati pangalan ni Rocky ay naging Rock. Matigas. "Mahusay kang aasembol," dugtong pa.

Lalo nang naging maasikaso si Inay kay Rocky mula nang manganak si Ate. At mas lalong naging kapuna-puna nang malapit nang mag-aral si Ate nang susunod na pasukan. Ipagpapatuloy ang naputol na pag-aaral ng Commerce. Noon lalong nabuhay ang aking takot. (Itutuloy)

vuukle comment

ATE

DAHIL

INAY

NANG

ROCKY

ROCKY INAY

SI ROCKY

SI TATAY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with