^

True Confessions

Koronang tinik(Ika-5 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

ANG bayaw kong si Rocky ay malaki ang katandaan kay Ate. Sa pagkakaalam ko, may 10 taon ang katandaan niya. Nang mabuntis si Ate ay 18 years old at nasa third year ng Commerce sa Centro Escolar University. Si Rocky ay 30 anyos naman noon at isa nang engineer sa Department of Public Works and Highways.

Guwapo si Rocky, singkit ang mga mata at may manipis na bigote. Maputi at matipuno ang pangangatawan na bumagay sa taas nitong 5’9. Ang totoo’y nang "mamanhikan" na lamang tungkol sa kanilang kasal saka ko lamang nakita nang personal si Rocky. Masyado kasing malihim si Ate. Hindi naming alam na may ginagawa na pala silang ‘‘milagro’’.

Saka lamang nagkuwento si Ate pagkaraang maiayos ang araw ng kasal kung paano sila nagkakilala ni Rocky. Nakasabay daw umano niya sa bus si Rocky isang Lunes ng umaga. Paluwas si Ate sa Maynila samantalang patungo naman sa DPWH main office si Rocky. Punuan na ang bus at tiyempong nasa tapat ni Ate ang nakatayong si Rocky. Gusto pa raw maaasar ni Ate sapagkat nabubundol siya ng "nakaumbok na harap"ni Rocky. Nasa pandalawahang upuan si Ate. Sa sulok ng mga mata ni Ate ay nakikita niyang nakatingin sa kanya si Rocky.

Nang bumaba ang katabi ni Ate ay si Rocky na ang naupo sa tabi niya. Hindi raw tumitingin si Ate kay Rocky. Para bang ipinadarama niya ang pagkaasar dahil sa pagbundol ng "harap" nito sa kanyang pisngi kanina.

"Anong year mo na Miss?" tanong daw ni Rocky kay Ate. Ayaw daw sana niyang sumagot sapagkat parang presko. Gayunman, tinugon din niya sa pamamagitan ng senyas ng daliri.

"Third year ka na pala. Saang school?" tanong uli.

Naaasar pa rin si Ate sa kapreskuhan ni Rocky.

"Hindi mo ba nababasa dito sa uniporme ko. Ito o."

"A, sorry. Hindi ko nabasa."

Ang akala ni Ate titigil na. Nagkamali siya.

"Anong course mo?"

Hindi sumagot si Ate. Nagpakita ng pagkaasar.

"Huhulaan ko. Commerce," sabi ni Rocky.

Nagtaka si Ate kung bakit nalaman ni Rocky na Commerce ang course niya. (Itutuloy)

ANONG

ATE

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GINA

HONG KONG

NANG

ROCKY

SI ROCKY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with