^

True Confessions

"Kilala n'yo ba kung sino ang inyong binangga ?" (Ika-33 labas)

- Ronnie M. Halos -
(True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula,Commanding Officer ng WPD-Mobile)

HINDI makapaniwala si Sapitula at mga kasamang pulis na sangkot sa madugong operasyon laban sa mga miyembro ng 16 Valve drug syndicate na sila pa ang madidiin at masasampahan ng kaso. Ganoon pala ang kanilang babagsakan pagkaraang itaya ang buhay at maghangad na maging drug-free ang lipunan.

Ang masaklap ay ang pagbalewala sa kanila ng isang mataas na opisyal ng Western Police District. Sa halip na suportahan sila ay naninisi pa. Noon lamang niya nakita ang tunay na kulay ng WPD officer na iyon.

"Kilala n’yo ba kung sino ang inyong binangga?" tanong ng opisyal. Nanunuri ang pagkakatingin sa kanya. Ni hindi kumukurap. Ang tinig ay nakababasag.

"Namaril daw kayo nang namaril!" dugtong pa at lalo nang lumaki ang boses ng opisyal.

"Sir gumanti lamang kami. Lehitimong encounter iyon. Nasa panganib ang buhay nina Captain Sy kung hindi kami gumanti," sagot ni Sapitula.

"Nabuhay ang isa at sumigaw ng salvage," sabi pa ng opisyal.

"Nabuhay siya Sir dahil agad namin siyang dinala sa ospital ang sugatan. Kung salvage iyon, dadalhin pa ba siya sa ospital. At saka ang lugar ng encounter, napaka-imposible kung gagawa ng salvaging. Malapit iyon sa DOJ, sa Ramada Hotel, sa PGH. Maraming tao."

Hindi umimik ang opisyal ng WPD. Nang magsalita ay naroon pa rin ang walang pagsuporta sa kanila.

"Mabigat ang nakabangga n’yo Sapitula. Ewan ko kung saan kayo pupulutin ng ginawa n’yo."

Tang-inang buhay ‘to, nasabi ni Sapitula sa sarili.

Kinagabihan, isang boteng gin ang kanyang binili at mag-isang uminom. Hindi siya umiinom ng alak pero sa pagkakataong iyon, kinaya niya ang matapang na gin. Hanggang doon na lamang yata ang career niya bilang pulis. Paano na ang kanyang pamilya na apektado ng maling balita? (Itutuloy)

vuukle comment

CAPTAIN SY

COMMANDING OFFICER

EWAN

GANOON

NABUHAY

RAMADA HOTEL

ROMULO E

SAPITULA

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with