Kuwento ng lisensiyadong baril - (Ika-22labas)
November 6, 2002 | 12:00am
True to life story ni P/ASupt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile
"ANO po ba ang maitutulong ko sa inyo Mr. Hayag?" tanong ni Sapitula matapos paupuin ang mga bisita. Ang lalaki, mga 60-anyos marahil, ay mukhang kagalang-galang at mabait. Nakatingin naman kay Sapitula ang pitong kalalakihan na sa tipoy mga pulis. Sa hula ni Sapitula, mga bodyguard ni Mr. Hayag ang pitong kalalakihan. Nakita niya ang nakabukol na baril sa tagiliran ng mga ito.
"Tenyente, me hihingin sana akong tulong sayo," sabi ni Mr. Hayag na para bang humihingi ng paumanhin. Mahinahon ito kung magsalita.
"Ano po iyon? Kung makakaya ko e hindi kayo mapapahiya."
Sa sinabing iyon ni Sapitula ay para bang nabuhayan ng loob si Mr. Hayag.
"Ang aking anak na lalaki ay hinuli ng mga pulis sa may PICC kagabi. Dalawang pulis daw ang humuli. Sa kasamaang palad, dala ng aking anak ang baril kong lisensiyado. Nang makita raw ito ng dalawang pulis, e kinumpiska at pinatutubos. E wala namang pera ang anak ko Tenyente. Nang hindi matubos, dinala na lang ang baril. Matutulungan mo ba akong mabawi ang baril Tenyente?"
Saglit na hindi nakapagsalita si Sapitula. May duda siyang baka hindi pulis Maynila ang nakahuli sa anak ni Mr. Hayag.
"Sigurado po ba na mga pulis Maynila ang nakahuli sa anak nyo?"
"Opo Tenyente," sagot ng matanda.
"Kasi po, ang PICC ay boundary na ng Maynila at Pasay. Kung pulis Pasay ang nakahuli dapat sa SPD kayo pumunta."
"Pulis Maynila po Tenyente ang dalawa. Naka-uniporme po ayon sa aking anak."
"Saglit lamang Mr. Hayag," sabi ni Sapitula at hinagilap ang two-way radio. May kinausap. Negative. Tawag uli. Walang makapagsabi kung sino ang dalawang pulis. May tinawagan sa telepono. Wala rin. Mukhang mahihirapan siyang matunton ang dalawang sutil na pulis.
Saka ay bigla niyang naalala ang dalawang pulis na nakita niya kaninang natutulog nang dumating siya. Naghinala siya.
"Dito muna kayo Mr. Hayag at may pupuntahan lamang ako," sabi ni Sapitula at mabilis na lumabas ng opisina at tinungo ang kinaroroonan ng dalawang pulis. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am