^

True Confessions

Hindi lang proteksiyon kundi tulong - (Ika-21 labas)

- Ronnie M. Halos -
MARAMING panganib na sinuong si Sapitula sa pagtupad sa tungkulin bilang pulis. Hindi na niya mabilang ang pakikipaglaban sa mga halang ang bituka na naglagay sa kanya sa panganib. Awa ng Diyos, nakaligtas siya. Sabi niya, marami pang darating na panganib, subalit nakahanda siya. Bahagi iyon ng buhay niya bilang pulis. Alam niyang sa tibay ng paniniwala sa Diyos, malalampasan niya ang lahat ng panganib.

Kung gaano kabagsik si Sapitula sa mga gumagawa ng kasamaan, malambot naman ang kanyang puso sa mga nangailangan. Bukod sa may takot sa Diyos, ang pagiging matulungin ang isa sa kanyang katangian. Isa iyon sa mga magagandang ugaling itinanim sa kanya ng mga magulang. Nakatanim sa kanyang isipan ang pangaral ng mga magulang na tulungan ang sinumang nangangailangan. At bilang pulis, ang tumulong sa kapwa ay bahagi ng kanilang tungkulin. Hindi lang para proteksiyunan kundi tumulong sa abot ng makakaya.

Hindi niya malilimutan ang isang pangyayari noong January 1990. Dakong 5:30 ng umaga nang dumating siya sa kanilang headquarters sa UN Avenue. Maaga siyang pumasok. Nakaugalian na niya iyon mula pa nang maging pulis. Sa pagpunta sa kanyang opisina ay dalawang pulis ang nakita niyang natutulog sa pasilyo. Nagtataka siya kung bakit maaga ang dalawang pulis. Hindi niya pinansin ang dalawang pulis at nagtuloy siya sa kanyang opisina.

Isang oras ang nakalipas ay may kumatok sa pinto. Nagtataka siya kung sino ang maaga niyang bisita. Binuksan niya ang pinto. Isang lalaki na may 60-anyos marahil ang nakita niya kasama ang pitong lalaki na sa hinala niya’y mga pulis din. Nakasibilyan ang mga ito. Kinabahan siya. Ganoon man, pinapasok niya ang mga bisita.

Nagpakilala ang matandang lalaki na si Mr. Hayag.

Napakunot-noo si Sapitula. (Itutuloy)

ALAM

DIYOS

ISANG

MR. HAYAG

NAGTATAKA

NIYA

PULIS

SAPITULA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with