Trabaho lang, Sir (Ika-17 labas)
November 1, 2002 | 12:00am
True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula,Commanding Officer ng WPD-Mobile
HINDI malilimutan ni Lt. Sapitula ang Dec. 5, 1989. Bukod sa niyayanig ang bansa ng sunud-sunod na kudeta noon na muntik nang magpabagsak sa gobyerno ni Pres. Cory Aquino, hinamon naman ng pagkakataon ang kanyang katatagan sa pagharap pa sa mabibigat na tungkulin bilang pulis. At hindi niya akalain na ang nakababatang kapatid pa ni Col. Gringo Honasan ang susunod na hahamon sa kanyang kakayahan.
Umaga ng Dec. 5, nagresponde sina Sapitula sa isang patayang naganap sa Agoncillo St. Malate, Manila. Shift Commander pa lamang noon si Sapitula ng Mobile Patrol Section. Mabibilis at tiyak ang kanilang kilos at handang tuparin ang tungkulin nang sumugod sa pinangyarihan ng krimen. Nang dumating sila sa lugar ay may tensiyon. Subalit sanay na si Sapitula sa ganoong sitwasyon. Nalaman nila na dakong alas-diyes ng umaga nangyari ang patayan at ang suspect ay si Albert Honasan. Business rivalry ang dahilan.
Binaril at napatay ni Honasan si Ramon Oroso ng 1124 Agoncillo St. Makaraang barilin ay nagtangkang tumakas si Honasan. At sa puntong iyon naging alisto ang team ni Lt. Sapitula. Inatasan ni Sapitula ang kanyang mga tauhan na mag-ingat sapagkat armado si Honasan. Binantayan nila ang lahat ng posibleng dadaanan at nagtagumpay sina Sapitula. Nang inaakala ni Honasan na wala nang paraan para makatakas, payapa siyang sumuko kay Sapitula.
Ang pagsukong iyon ni Honasan kay Sapitula ay nalagay sa front page ng mga diyaryo. Nadagdagan ang kinang ni Sapitula sa pangyayaring iyon.
Ilang taon ang lumipas at minsay naging panauhin si Sen. Gringo Honasan sa Western Police District. Nagpakilala si Sapitula kay Senator Honasan. "Senator, kumusta na po si Albert?"
Nagulat umano ang Senador. "Okey na siya. Maayos na ang buhay at nagnenegosyo sa probinsiya. Bat mo siya kilala?"
"Sir, ako ang nakahuli sa kanya," sagot ni Sapitula.
Tumangu-tango si Honasan at tinapik siya sa balikat.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended