^

True Confessions

Kapatid naman ni Honasan ang pinasuko (Ika- 16 labas)

- Ronnie M. Halos -
True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula,Commanding Officer ng WPD-Mobile

NAGING maayos ang pagsuko ni Sgt. Omolio kay Lt. Sapitula noong Dec. 6, 1989. Masayang-masaya ang misis ni Omolio sapagkat hindi na magtatago sa batas ang kanyang asawa. Tinupad ni Sapitula ang lahat para makakuha ng amnestiya si Omolio.

Ang ginawa ni Sapitula sa maayos na pagsuko ni Omolio ay nagbigay-kinang sa kanya. Hinangaan siya ng mga opisyal ng Western Police District at ganoon din ng mga kapwa niya pulis. Gumawa siya ng pangalan sa pagkakataong iyon. Ang pagsukong iyon sa kanya ng rebeldeng sundalo ay isa sa mga dahilan kung bakit siya na-promote sa posisyon. Ipinakita niyang hindi lamang sa pakikipaglaban sa mga masasama siya eksperto kundi maging sa pagpapasuko ng mga naliligaw na landas na sundalo.

Nakabalik sa serbisyo si Sgt. Omolio at ngayo’y matuwid na ang landas na tinatahak. Ang bangungot ng December 1989 coup ay unti-unti nang naglalaho sa kanyang isipan.

Hindi akalain ni Sapitula na sa taon ding iyon, isa pang kagila-gilalas na pangyayari ang susuungan niya. Sa pagkakataong iyon ang nakababatang kapatid naman ni Col. Gringo Honasan na si Alberto ang makasasagupa niya. Si Alberto Honasan ay wanted sa pagpatay kay Ramon Oroso ng Agoncillo St. Malate, Manila. Pagkaraang patayin si Oroso, hinostage ni Honasan ang mga nakatira sa 1126 Agoncillo St. (Itutuloy)

AGONCILLO ST.

AGONCILLO ST. MALATE

COMMANDING OFFICER

GRINGO HONASAN

OMOLIO

RAMON OROSO

ROMULO E

SAPITULA

SGT

SI ALBERTO HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with