Nagtiwala kay Sapitula (Ika-14 na labas)
October 29, 2002 | 12:00am
True-to-life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile.
TUMALILIS si Marine Sgt. Romeo Omolio sa kainitan ng bakbakan sa Villamor Airbase. Naisip niya, hindi tama ang kanilang ginagawa. Ang buong akala niyay isang simpleng training lamang ang lahat kung bakit sila nagpunta sa airbase ng gabing iyon dakong alas-onse. Madugong pagsalakay pala ang kanilang pakay. Hindi kaya ng kanyang konsensiya na makibahagi sa pag-agaw sa kapangyarihan ng kasalukuyang Presidente na si Cory Aquino. Alam ni Omolio na ang tungkulin nila ay ipagtanggol ang bansa sa aagaw na dayuhan at hindi ang paglaban sa kapwa Pilipino.
Nagtago si Omolio at ilang araw ang nakalipas ay pinakiusapan ang kanyang misis na maghanap ng isang taong makatutulong para ligtas siyang makasuko sa pamahalaan. Nang panahong iyon ay nagbibigay na ng amnestiya ang gobyerno sa mga sundalong rebelde. Nagtakda ng panahon ang gobyerno para sumuko ang mga sundalong nagkudeta.
Ang misis ni Omolio ay nagtatrabaho sa isang hotel sa Batangas St. sa Rizal Avenue. Isang lalaki na nagngangalang Lito Banan ang nagsabi sa misis ni Omolio na kilala niya si Lt. Romulo Sapitula. Maaaring makatulong si Sapitula sa pagsuko. Noon din ay nagpasya ang asawa ni Omolio na kay Sapitula sumuko ang kanyang asawa. Sa pamamagitan ni Banan ay nakontak si Sapitula.
"Sir gustong sumuko ng asawa ko. Matutulungan nyo ba siya para hindi makulong..." sabi ng misis.
"Nangangako ako Misis. May amnesty ang gobyerno at dapat samantalahin ito ng iyong asawa," sabi ni Sapitula.
"Napasama lamang siya sa mga lumusob sa Villamor Sir. Hindi talaga siya rebelde."
"Iyon naman pala dapat nga siyang sumuko. Nasaan ba siya ngayon?"
"Narito po siya sa hotel na pinagtatrabahuhan ko."
"Maaari ba siyang makausap?"
"Opo sir."
Nagkausap sina Sapitula at Omolio. Naayos ang pagsuko kay Sapitula. Nagtiwala ang rebeldeng sundalo. Sa hotel gagawin ang kanyang pagsuko.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended