HINDI lamang ang pagsugpo sa mga halang ang kaluluwa ang ginagampanan ni Sapitula. Kung marunong siyang sumupil sa masasama, marunong din siyang magpasuko ng mga naligaw nang landas. Isa sa mga naligaw ng landas ay si Marine Sgt. Romeo Omolio. Kasama si Omolio sa mga sundalong lu-musob sa Villamor Air Base noong Nov. 30, 1989. Kasunod ng paglusob na iyon ay ang madugong kudeta na pinamunuan ni dating Col. Gringo Honasan. Marami ang namatay sa kudeta at nagmuntik-muntikanang maagaw ang gobyerno ni President Cory Aquino. Hindi nagtagumpay ang mga rebelde sa masamang gawain.
Ang nakagigimbal, marami palang kuwento sa paglusob ng mga sundalo sa Villamor Airbase na kinabibilangan ni Omolio. Hindi akalain ni Omolio, kabilang sa 72nd Tank Company, na ang ginagawa na nila ay paglabag sa nakasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas. Ang akala niyay simpleng training lamang ang ginagawa nila araw-araw na pagdi-jogging mula sa Fort Bonifacio patungong Villamor. Hindi pala. Sa pagpunta nila sa Villamor dakong alas 11 ng gabi ay madugo na pala. Hanggang sa magkabakbakan na. Umaatikabong putukan. Noon napag-isip-isip ni Omolio na mali ang kanilang ginagawa. Palihim siyang tumakas at nagtago.
At si Sapitula, noon ay tenyente, ang naisipan niyang hingan ng tulong para sumuko. (Itutuloy)