At ako na mismo ang magtataboy sa kanya para umalis sa kuwarto sapagkat baka mahuli na kami ng kanyang waled at waledah. Sinabi ko na kung kamiy mahuhuli lalo kung ang kanyang waledah, tiyak na sa kulungan ang bagsak ko at baka mabulok ako roon.
"Anta masmuh lez zehab," sabi ko sa kanya. Umalis na siya at delikado.
Mabilis na umalis si Rashid sa pagkakatabi sa akin at inayos ang sarili. Mabilis na pinulot ang mga damit na nakakalat sa ibabaw ng kama at mabilis na isinuot. Hindi ako kumikilos sa pagkakahiga at pinagmamasdan si Rashid habang nagbibihis. Nakasaludo pa ang "sundalo" ni Rashid at walang balak sumuko. Napahagikgik ako sa pagkakataong iyon at mabilis namang tinakpan ni Rashid ang kanyang "sundalo". Matigas at matikas ang sundalo.
"Ma-as-salama," sabi ni Rashid nang makapagbihis at mabilis na tinungo ang pinto at bubuksan na sana iyon nang biglang may maalala at binalikan ako sa pagkakahiga. Kinuha ang aking kanang palad, ibinuka at may inilagay doon. Pera! Riyal! Hindi ko tiningnan kung magkano. Sa tuwa, bigla kong hinipo ang "sundalong" matikas. Napahagikgik si Rashid at mabilis na binuksan ang pinto at maingat na lumabas.
"Shokran," pahabol kong sabi kay Rashid.(Itutuloy