True Confession ni Nelia, isang DH sa Hong Kong: ' Maraming pera si Rashid'

(Ika-32 labas)
HABANG nakaupo sa aking kama ay para bang hangang-hanga si Rashid sa pagkakatitig sa mga nakalagay na dekorasyon sa kuwarto. Sa dinding ay nakadikit ang larawan ng isang sikat na babaing artista. Ang larawan ay ginupit ko sa magazine. Mahilig ako sa artista kaya ang mga larawan nila ay aking kinukuleksiyon. Bukod sa mga larawan ng artista ay nakasabit din sa kabilang panig ng dingding ang wall carpet na nakalarawan ang isang batang babae na nakatingala sa langit. Ang carpet na iyon ay binili ko sa Batha minsang nag-shopping ang mag-anak. Ten Riyals lamang ang bili ko roon. Pinaglipat-lipat ni Rashid ang tingin sa mga nakadikit na larawan at carpet at pati sa mga nakadisplay sa aking munting tokador.

"Kuwais ghorfa. Modia,"
sabi ni Rashid. Maganda naman daw at maaliwalas ang aking silid.

Pinansin nito ang kamang kinauupuan. Inuga. Lumangitngit. Paano’y spring bed iyon at ang bahagi ay may mga kalawang na kaya lumalangitngit.

"Mafi kuwais sarir,"
sabing nagtatawa ni Rashid. "Mafi kuwais."

Hindi raw maganda ang aking bed. Ba’t daw lumalangitngit at hindi pa malambot. Inuga nito ang kama. Dapat daw palitan iyon sapagkat hindi maganda.

"Mafi pulos, Filibin,"
sagot ko. Wala akong perang pambili ng sarir.

Umismid sa akin.

"Cater pulos,"
sabi naman sa akin. Dumukot sa bulsa at inilabas ang pera sa pitaka. Nakita ko ang maraming isandaang riyals. Para bang naghahambog ito. Saka isinilid muli sa bulsa.

Pagkaraa’y pinansin na bakit wala raw kasangkapan sa aking kuwarto. Mas maganda raw kung may kasangkapan ang aking kuwarto.

"Ghorpa nadhifa,
Nelia."

Tinanong pa rin kung bakit daw wala akong TV at refrigerator? Kung anu-ano pa ang tinanong. Pagkuwa’y tuluyang iniunat ang katawan sa aking kama. Lumangitngit ang kama dahil sa bigat ni Rashid.

Gusto kong sabihin na bigyan niya ako ng pera at bibili ako ng TV at iba pang gamit. Sa pag-unat ni Rashid ay nalantad ang "bukol" nito sa harapan at naalaala ko na naman ang ginagawa nito sa comfort room nang mapasukan ko noon.

(Itutuloy)

Show comments