^

True Confessions

'Maraming beses akong nadapa, mas maraming beses din akong babangon' (Ika-12 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Armando P. Ramos ng Santiago City, Isabela)

MARAMI ang nagtaka sa bigla kong pagbabago. Ganoon pala ang tao, kapag nakalublob ka sa putik ay pandidirihan ka at kapag nagbago ka na ay hindi naman makapaniwala na maaari mong magawa iyon. Kung kailan ka muling tumanggap sa Diyos ay saka naman marami ang mag-aakala na nasisiraan ka ng katinuan.

Marami nga ang nagtaka sa akin at hindi makapaniwala sapagkat ang lagi ko nang hawak ay ang Bible. Nakasubsob ako sa pagbi-Bible study tuwing gabi ng Miyerkules, Biyernes at Linggo. Ang mga salita ng Diyos ang aking naging kapiling at iyon ang nagbigay sa akin ng kakaibang lakas upang ganap na talikuran ang masamang bisyo – ang pagdo-droga. Kung noon ang kasama ko ay ang mga kabarkada at droga, ang pagdalo sa Bible study nga ang pinagtuunan ng panahon, buong puso at kaluluwa. Itinakwil ko nang tuluyan ang droga. At sa pakiwari ko malaki ang pagkatalo ni Satanas sapagkat isang kaluluwa ang muling nagbalik-loob sa makapangyarihang Diyos. Tagumpay ako sa paghahanap sa Dakilang lumikha. Iniyakan ko ang pangyayaring pagbabalik-loob sapagkat naisip ko ang mga nagawang pagkakamali. Kailangan palang madapa muna ako nang maraming beses bago malaman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa Diyos.

Madalas kong kausapin ang Diyos. Sinabi ko sa Kanya, na kahit maraming beses akong nadapa, mas maraming beses pa rin akong babangon para sa Kanya. Kung maraming beses akong nagkamali, itutuwid ko iyon at magsisimulang muli. (Itutuloy)

ARMANDO P

BIYERNES

DAKILANG

DIYOS

GANOON

INIYAKAN

ISABELA

ITINAKWIL

KANYA

SANTIAGO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with