Kuwento ng isang dating drug addict (Ika- 6 na labas)
May 23, 2002 | 12:00am
(Kasaysayan ni Armando P. Ramos ng Santiago City, Isabela)
DAHIL bata pa, marami akong nakarelasyon. Lampas sa daliri sa kamay ang mga nakarelasyon ko. Marami akong naging "sugar mommy". Solb na solb naman sila sa akin dahil mahusay ako. Maraming naghahabol sa aking matrona. Maraming tsikas na umiyak. Kapag ginusto kong kalasan, e wala silang magagawa. Para sa akin ay laruan na lamang ang pakikipagrelasyon sa babae. Mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa barkada at sa droga.
May pagkakataon din naman na naglie-low ako sa droga. Iyon ay makaraang maospital ako. Ang akala ng nanay ko e tuluy-tuloy na ang mahal niyang anak sa pagbabago.
Nagkaroon ako ng trabaho noong September 1989. Tuwang-tuwa lalo si Nanay sapagkat maaari ko na raw makalimutan ang droga. Malilibang na raw ako sa trabaho. Napasok akong messenger. Okey sa simula. Mahirap pero napagtiisan ko. Unti-unti ko ngang nalimutan ang droga dahil nalilibang at siyempre pa ay kumikita na ng pera. Nabibili ko na ang mga gusto kong bilhin mula sa perang pinagpawisan ko.
Subalit muli akong nahatak ng barkada. Para na naman akong ipu-ipong hinatak para tumikim muli ng droga. Hindi ako makatanggi. Malakas ang hatak at muli akong lumaklak. At mas matindi ang ikalawang bugso ng pagpalaot ko sa droga. Kung noon ay "heaven" ang mararating dahil sa epekto ng droga, ang narating ko sa pagbabalik-droga ay "impiyerno" na. Napuntahan ko ang impiyerno. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama sapagkat may nagtutulak sa aking magpakamatay na. Para bang may nagbubulong sa akin. Umaalingawngaw sa aking pandinig. Bumabarena sa aking utak ang mga hindi ko maunawaang salita. Abnormal na sa akin ang lahat. Sira na nga yata ang aking ulo. Saka maiisip ko, nakakahiya sa mga makaaalam na may sira-ulo sa aming pamilya at ako nga iyon. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended