SA eksenang iyon ay malikot na lumarawan sa aking isipan na si Aziza ay mahilig sa kending lollipop. Gustung-gusto niya ang lollipop. Siguro sa kabataan niya ay kinahiligan na niya ang lollipop. Hindi ako magtataka sapagkat nasa Saudi Arabia ang mga masasarap na lollipop na kinagigiliwan ng mga bata. Ilang labas-masok ng lollipop sa kanyang bibig at naabot ang sarap.
Makaraan iyon, pakiramdam koy isang kakaibang sandstorm ang tumama sa lugar na kinaroroonan namin. Humahaplit. Walang kinatakutan. Tumama sa disyerto at ibinuhos ang lakas upang hukayin ang kailaliman. Lumantad ang oasis at bumukal ang masaganang tubig. Manamis-namis. Nang humupa ang pagngangalit ng bagyong buhangin ay nakabibingi naman ang katahimikang sumunod. Maski ang mga insektong nakadapo sa dates at camachile ay tumigil sa paghuni. Naging pipi makaraang sagasaan ng bagyo.
Maging kami ni Aziza, makaraan ang paghahamok ay nanatiling walang kibo sa loob ng Suburvan. Nakahiga sa kandungan ko si Aziza. Ang kanang kamay ko ay nakasapo sa malusog niyang dibdib. Masarap sa hipo. Kahit madilim, naaninaw ko ang kagandahang hindi tinakpan ng abaya. Nakalantad ang tunay na kaanyuan at mga lihim. Pinahanga ako ng Araba sa husay. Hindi iisiping sa ganoong edad ay mas mahusay pa siya kay Ellie at kay Tet. Para bang ang ginawa niya sa akin ay pinraktis na niya sapagkat sanay na sanay na. Wala akong magawa kundi namnamin ang tamis ng kanyang ginawa. Kahit hindi ganap at malayo pa sa katotohanan, kakaibang kaligayahan na ang dulot sa akin. At gusto koy masundan pa iyon. Si Aziza ay naihalintulad ko sa dates na habang kinakain ay lalong masarap lalo na kapag hinog sa puno.
Kumilos si Aziza sa pagkakahiga sa mga hita ko. Ako ay bahagyang nagulantang. Kinapa nito ang abaya. Ako ang dumukwang sa abaya na nahulog sa ilalim ng upuan. Kasamang nadampot ang kapirasong saplot na kulay puti at ang bra. Iniabot ko sa kanya. Unang isinuot ang panty, kasunod ang bra. Saka ang abaya.
"Adraknal waqt," sabing pabulong. Wala na raw oras. Kailangan na siyang umalis at baka hinahanap na siya. "Fi amanelah!" (Itutuloy)