^

True Confessions

Yapak Sa Bubog (Ika-139 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar,Saudi Arabia.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

KUNG ang solusyon sa problemang iyon ay ang karahasang naiisip ni Ellie, hindi na ako tutol. Sa bigat ng problemang nangyari kanina, baka hindi na niya makayanan kung ano pa ang mga susunod. Baka sa pagdating ni Sir Al-Ghamdi ay kasama na ang mga pulis at mababagsik na motawa. Ipaaresto na kami. Itatapon sa kulungan. Kakasuhan ng pakikiapid, pagpeke ng dokumento, paninirang-puri at kung ano pa na maaari namang imbentuhin. Iyon ang aming katapusan.

Subalit nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari. Hindi ko akalain na kakalma si Ellie. Nang luwagan ko ang pagkakayakap sa kanya upang hayaan sa lahat ng kanyang mga gagawin ay walang ginawang marahas. Mula sa isang tila nagagalit na bulkan ay biglang naging tahimik. Nawala ang buga ng galit at agos ng poot. Tahimik na umiyak. Umagos ang luha. Pagkatapos ay saka nagsalita. Mahinahon na. Tanggap na raw niya ang kapalaran. Kaya na raw niya ang problema kahit na hindi ako kasama. Okey na rin sa kanya kung ano ang gagawin ni Sir sa kanya. Bahala na raw. Malaki ang kasalanan niya kaya dapat lamang parusahan.

"Kahit na hindi ka na umalis dito gaya ng sabi mo, okey lang. Kung gusto mo pang makipagkita sa akin sa Maynila, di maganda kung hindi, okey lang. Ganyan siguro ang suwerte ko," sabi niya.

Wala akong masabi. Maski ako e hindi na naniniwala sa sarili ko mismo. Mahilig akong mangako na kadalasan naman ay hindi natutupad. Niloloko ko lamang ang sarili. Hindi na ako nangako kay Ellie sa pagkakataong iyon. Niyakap ko na lamang nang mahigpit. Hindi ko siya malilimutan kahit na iyon ang huli naming pagkikita.

Hanggang sa marinig namin ang pagkalabog ng gate. May dumating! Tiyak na si Sir at maaaring may mga kasama. Kinabahan ako. Si Ellie ay nanatiling kalmado.

vuukle comment

AKO

AL-KHOBAR

BAHALA

BATAY

ELLIE

REN E

SAUDI ARABIA

SI ELLIE

SIR AL-GHAMDI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with