NAGUGULUHAN na ako. Si Ellie at si Aziza ay dalawang babaing nagbibigay na sakit ng ulo. Habang tumatagal, nagiging sakim na si Ellie at gusto na akong talian. Si Aziza naman ay hindi ko pa gaanong mahuli ang ugali kung gusto lamang akong paglaruan at humanap ng karanasan. Nalilito ako. Gayunman hindi ko masisi ang aking sarili kung bakit napasuot sa ganitong klase ng problema. Lalaki lamang ako at hindi naman ako ang pumilit sa dalawang babaing nagpapagulo sa aking isipan.
Gusto ni Ellie na totohanin na namin ang lahat. Ayaw na akong pauwiin sa Pilipinas at dito na lamang daw kami. Magpadala na lamang daw ako nang magpadala ng pera. Minsan ay nasabi pa niya na siya raw ang bahala kung kakapusin ako sa pagpapadala. Marami raw siyang pera.
Si Aziza ang mas nagpapagulo sa akin. Masama ang epekto ng unti-unti kong paglaway sa kanyang kamuraan. Para akong asong ulol na hindi matahimik kung hindi ito makakagat at mapapapak. Mas mahirap para sa akin, gaya ng nasabi ko na ang sunud-sunod naming pagtatagpo na walang ibang nangyari. Lalo lamang nag-iinit ang aming katawan. Mahirap pala iyon. Nakasisira ng katinuan.
Naisip ko, ano kaya at bigla kong iwan si Ellie at bumalik na lamang sa Pilipinas at saka magbagumbuhay. Pero ano naman ang trabahong uugain ko sa Pilipinas. Baka bumalik ako sa pagiging driver-pahinante na ang kinikitay kulang pa sa pamasahe. Sa isang banday naisip kong kawawa rin naman si Ellie. Marami na siyang naitulong sa akin. Napagsilbihan na ako nang matagal-tagal. Ngayon ko pa iiwan na nag-iisa na pala siya sapagkat bistado na ng kanyang mga anak ang "lihim". Baka magpakamatay ito kapag iniwan ko. Kanina nga lamang ay nagwawala na at paano pa kung iiwan ko. Kawawa naman.
Paano ko naman maiiwasan si Aziza kung ito na ang pumupunta sa kuwarto ko. At aaminin ko, hindi ko matatanggihan ang kanyang sarili na iniaalok na. Hindi ko nga lamang alam kung ano pa ang motibo niya. Hindi ko alam kung mahal niya ako o naghahanap lamang ng adventure sa lalaki. Gustong tikman ang napanood sa TV.
Tinulugan ko ang mga isiping iyon. Para akong bangkang papel na nagpatangay sa agos. Kung saan aabot ang problema ay bahala na. Kung magpipilit si Aziza, wala akong magagawa. Baka mapilitan na rin akong pasukin ang kanyang kabirhenan. (Itutuloy)