^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-57 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

Matapos ang pagkukuwento ni Ellie sa kanyang buhay. At sa palagay ko, hindi siya nagsisinungaling na talagang nagsasawa na siya sa kanyang asawa. Sa dami na rin naman ng mga babaing nakaugnayan ko, kilala ko ang babaing gusto lamang "mambilog ng ulo". Kilala ko ang isang babae kung naglulubid lamang ng buhangin. Si Ellie tulad din ng nakarelasyon kong si Tet ay nagsasabi ng totoo. Nahalata ko ang seryosong pagtatapat ni Ellie na naghahayag na hindi niya maaaring pilitin ang sarili. Iyon ang talagang nadarama niya. Hindi siya nagkukunwari lamang o naghahanap lamang ng makakalaro kaya naisipang pagtaksilan ang asawa.

Bahagya akong napaisod nang bumangon si Ellie. Sa pagbangon, kasama ang kumot na nakatakip sa katawan. Hinayaan iyong nalaglag sa sahig at nalantad na naman sa akin ang makinis nitong balat. Hinagip ang panty na nakapatong sa pandak na silya at isinuot na nakaharap sa akin. Pagkaraan ay muling tumabi sa akin. Nananatili akong nakahiga. Nilaru-laro nito ang labi ko.

"Sa iyo lamang pala ako maghuhubad ng abaya," sabi ni Ellie at bahagyang tumawa. "Ang landi ko no?"

At least alam ni Ellie iyon. Siya ang lumandi. Hindi ako ang nagbigay ng motibo. Hindi ako namilit. Siya ang unang pumasok sa aking kuwarto at "ginalit" ang tandang. Inialok ang palay.

"Siguro rin ang pagbili mo ng x-rated tapes ay natutuhan mo sa mga kasamahan mo sa Jeddah ano?" tanong ko na ewan ba kung bakit pati iyon e inungkat ko pa uli. Nahihiwagaan pa kasi ako sa bagay na iyon.

"Libangan na ‘yan doon. Kung kayong mga lalaki ay nanonood ng bawal, ganyan din kaming mga babae. Noong una, nahihiya pa akong manood. Nang tumagal wala na."

"Kaya pala ang dami mong alam na posisyon," sabi kong nagtatawa.

Kinurot ako sa tagiliran. Napaigtad ako. Saka dumako ang kamay ni Ellie sa harapan ko. Sinapol iyon. Lalo akong napaigtad. Pilyang babae. Kunwariy mahinhin iyon pala’y may itinatagong kalandian sa katawan.

"Kailan tayo magpapakasal?" Tanong ni Ellie.

Hindi ako makasagot sapagkat hindi ko alam kung paano ang mga gagawin sa pagpapakasal sa bansang aming kinaroroonan. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AL KHOBAR

ELLIE

REN E

SAUDI ARABIA

SI ELLIE

SI REN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with