^

True Confessions

Yapak sa Bubog (ika-43 Labas)

-
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren. E. ng Al-Khobar, Saudi Arabia. Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi. Ang Iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

Iyon ang naging simula ng paglalapit namin ni Ellie. Ako mismo ay hindi makapaniwala na ang isang mahinhin at walang kibong babaing tulad niya ay marahas pala. Matindi. Wild. Ang pagiging mahinhin pala nito at pagiging walang imik ay pakitang tao lamang. Nabilisan nga ako sa mga pangyayari kung paano kami nagkaroon ng relasyon. Hindi ako ang unang nagbigay ng motibo para mangyari ang isa na namang pagyapak ko sa bubog ng kasalanan. Hindi ako ang gumusto kundi siya. Isa na namang relasyon ang pinasukan ko habang nagtatrabaho sa mahigpit na Saudi Arabia. Si Ellie ay mas matindi (super tindi) kaysa kay Tet na may ilang taon ko ring naging siyota.

Lubusang napalapit sa akin si Ellie makaraang hindi malaman ni Sir Al-Ghamdi ang tungkol sa x-rated tape na kinuha ni Aziza sa kanya. Ginawa ko ang paraan upang malimutan ni Aziza ang tungkol sa napanood niyang mahahalay na tagpo sa tape. At nakumbinsi ko siyang huwag nang sasabihin ito sa kanyang abik (ama). Palibhasa’y wala pang muwang at madaling utuin si Dalaginding, nagtagumpay ako. May pagkakataon kasi na kung anu-ano ang ibinibigay ko sa kanya (karaniwa’y mga matatamis na pagkain) kapag pumupunta sa kuwarto. Kahit na shawarma na binili ko sa kanto ay gustung-gusto nito. Hanggang sa wala nang maalala tungkol sa napanood. Ni hindi na nga nangangahas pakialaman ang mga tapes ko sa kuwarto.

Nawili sa panonood ng pelikula si Ellie sa aking kuwarto. Ako ang humikayat sa kanya na huwag nang ituloy ang pagbili ng VHS player sapagkat masasayang lamang. (Nang panahong iyon ay hindi pa uso ang compact disks). Sabi ko’y madaling mawala sa uso ang mga electronic appliances na tulad ng VHS player. Napanood ni Ellie ang mga tapes na kanyang binili. Mga pelikulang Tagalog iyon. Pati mga tapes ko ay napanood na rin niya.

Isang gabi, dakong mag-aalas-12 ay nagulat ako nang kumatok si Ellie. Nagtaka ako sapagkat karaniwang alas-10 siya nagpupunta sa kuwarto (kapag tapos na ang mga gawain) at kinasanayan ko na ang ganoong oras.

"Panoorin natin ang tape na kinuha sa akin ni Aziza," siya na ang nagkumbinsi sa akin.

Bagamat nabigla ako, e hindi ako nagpahalata. Sinunod ko siya. Kinuha ko ang x-rated na pelikula sa pinagtataguan. Isinalang ko iyon.

Paglingon ko kay Ellie ay nakikita kong tinatanggal nito ang abaya. Ang mga mata lamang namin ang nag-uusap at nagkakaintindihan. Malagkit ang pagkakatingin niya sa akin. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANG IBA

AZIZA

ELLIE

SAUDI ARABIA

SI ELLIE

SI REN

SIR AL-GHAMDI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with