'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-35 na labas)

Ang mga sumusunod ay bahagi pa rin ng mga sulat ng duwende. Karaniwan itong nakasulat sa pinilas na dahon ng notebook.

January 20, 2001


DUWENDE:
Bakit hindi mo siya papayagang umalis? Wala ka bang tiwala sa amin? Meron kaming magandang plano doon makukuha ang kapalit, ngunit hindi pa lahat.

Doon makukuha ang bahagi ng kapalit, wala ka bang tiwala sa amin? Ibinalik ko na lahat maliban sa sapatos sapagkat pinaglalaruan pa ito ng aming kasamahan, ngunit huwag kayong mag-alala dahil ibabalik din namin iyon

January 27, alas-10:37 ng gabi


DUWENDE:
Mother payagan mo muna siyang bumaba kasi darating si Lara, at may magandang balita siya, huwag kang mag-alala isang oras lang.

Alas-10:45 ng gabi


DUWENDE:
Mother, alam mo sa retreat nila, pinagawa sila ng sulat para sa inyo gumawa siya, ilalagay niya sa bag mo, kunyari di mo alam.

January 28, alas-12: 25 ng madaling-araw


DUWENDE:
Mother, palabasin mo na muna siya, pero huwag ka nang sumunod? Nadapa ka kanina, narinig mo ba! m– (putol na ang sulat – RMH)

Ang sumusunod ang mga messages na aking natanggap sa cellphone.

January 29, 2001, alas-11:54 ng gabi


DUWENDE:
Kailangan ka namin sapagkat kailangan ka ng mga anak mo, naiintindihan mo na ba? Puwes kung hindi, intindihin mo!

Alas-11:55 ng gabi ng araw ding iyon


DUWENDE:
Ikaw na ang bahala sa mga bisita mo! Ha!

Alas-12:07 (midnight)


DUWENDE:
Mother, pasensiya ka na , hindi makakapagmensahe si Ariana mamaya, hindi na niya kaya, ako na lang pwede?

Alas-12:12 (midnight)


DUWENDE:
Nakalimutan mo na ba ako mother? Ako lang naman ang tumatawag sayo ng ganito ha, si Bryana,

Alas 12:17 (midnight)


DUWENDE:
Mother, bayaan mong matulog si Gina, huwag mo na siyang gisingin, kaylangan niyang magpalakas, para mabahagian niya si Ariana, kasi apektado siya.

Alas-12:26 (midnight)


DUWENDE:
Tanungin mo kung kailan siya makakapagtest ha? (Itutuloy)

Show comments