^

True Confessions

'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-33 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Takang-Taka ang aking asawa kung sino ang naglagay ng sulat sa kanyang wallet. Tinanong ako. Hindi ko alam, sagot ko. Tinanong si Gina. Wala rin itong alam. Subalit sa aking isip, malamang na ang mga duwende ang may kagagawan niyon.

Bukod sa pangyayaring iyon, marami pang kakatwang nangyari. Patuloy ang ginagawa nilang pagsulat at pagti-text sa akin at kay Gina.

Isa sa labis kong ipinagtataka ay ang sinasabi ng mga duwende sa sulat at text na "pinuprotektahan" nila si Gina sa kaaway. Iyon daw ang dahilan kaya ayaw nila itong papasukin sa school.

Ang mga text na galing sa duwendeng si Briana ay nagpapakita na kailangang gawin nila ang bagay na iyon (pagkakasakit) upang mailigtas sa kaaway ang aking anak. Sa isa sa mga text ni Briana sa akin ay ganito ang nakasaad: "Mother huwag mo muna siyang papapasukin dahil delikado."

Nangamba ako sa nakasaad sa text. Sinagot ko iyon: "Nandiyan naman kayo, e di bantayan n’yo."

Nag-text uli ng sagot: "Mababantayan namin siya pero hindi maipagtatanggol dahil hindi kita ang buwan".

Ang ipinagtataka ko ay kung sino ang mga kalaban na kanilang tinutukoy. At nagulat pa ako sa itinext: "Kunin ang temperatura ng dalawa mong anak at kung sino ang mataas iyon ang inuuna ng kalaban."

Naguluhan ako sa babalang iyon tungkol sa sinasabing kalaban. Isa pang kakatwa ay nang tumawag ang isang kaklase ni Gina at sinabing ang kalaban ay malapit lang sa school at nasa may kotseng itim. Nagduda si Gina kung ang tumawag nga ay kanyang kaklase. Nahihiwagaan siya sa boses nito. (Itutuloy)

vuukle comment

BRIANA

BUKOD

GINA

ISA

ITUTULOY

IYON

KUNIN

MABABANTAYAN

TINANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with