'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-30 Labas)
October 3, 2001 | 12:00am
May kasamang duwende si Gina nang mag-attend ng party at nasa loob iyon ng kanyang bag. Iyon ang konklusyon naming mag-ina. At marahil ang kasama niyang duwende ay si Briana na nakikipagkaibigan sa kanya.
Ang naranasan ni Gina na pagbigat ng kanyang bag ay naranasan ko rin. Para bang may dala akong isang litrong Coke sa loob ng aking bag. Nangyari iyon habang patungo ako sa school na aking pinagtuturuan. Habang naglalakad, nararamdaman ko ang bigat ng dala kong bag. Lumalaylay din ang aking balikat. Wala namang nakalagay doon kundi ang aking wallet, cell phone, ballpen, lesson plan, notebook at panyo. Magaan ang mga iyon at hindi sapat para lumaylay at mangawit ang aking balikat. Ganoon man, hindi ko iyon binigyang pansin. Kung may kasama man akong duwende sa bag e hindi na ako natatakot. Nalaman ko buhat sa pagbabasa ng libro ng isang sikat na pyschic na ang mga duwendeng kabilang sa earth spirit o nature spirit ay hindi kaaway.
Ang isa pang karanasan na masasabi kong mayroon nga yatang kasama akong duwende sa bag ay nang nasa comfort room (CR) ako ng school. Hindi ko sinasabing duwende nga ang may kagagawan niyon subalit malakas ang aking kutob.
Pumasok ako sa CR. Ang CR ay may main door at sa loob ay may tatlong pantay taong cubicle. Kapag may nakatayong tao sa loob ng cubicle ay makikita. Ang pinto ng cubicle ay nagsu-swing. Ang CR na iyon ay laging nakasara sapagkat may mga batang nagkakamaling pumasok at gumamit. Iyon ay para sa mga teacher lamang.
Isinara ko ang main door ng CR. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Hustong natatapos ako sa ginagawa nang makarinig ako ng mga yabag na papalabas mula sa isa sa mga cubicle. Nagtaka ako sapagkat natitiyak kong walang ibang tao roon. Ang mga yabag ay parang sa isang bata.
Dahil inisip kong baka may mga batang nakapasok, nagsalita ako nang marahan para bawalan. "Children, bawal dito. Para lamang ito sa mga teachers."
Nawala na ang mga yabag. Lumabas na ako sa CR. Nakita ko ang aking co-teacher na nasa loob ng classroom na malapit sa CR. Tinanong ko kung may batang pumasok doon. Wala raw. Takang-taka ako. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended