^

True Confessions

'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-12 na labas

- Ronnie M. Halos -
Ang akala ko kaya tinatanong ng psychic na si Jane ang tungkol sa aming bahay ay dahil sa direksiyon upang madali niya itong makita sa pagpunta niya. Iyon pala’y ini-scan na niya sa isip ang aming bahay. Noon pa lamang ay humanga na ako kay Jane. Parang mahirap mapaniwalaan pero nasabi niya sa akin nang tama ang lokasyong kinaroroonan ng aming bahay at nasabi pa ngang may isa pang kuwarto sa second floor. Mas naunahan pa nga niya akong malaman.

Nagkasundo kami ni Jane sa pagpunta niya sa amin. Sabi ko sa kanya, kailangang-kailangan ko ang tulong niya. Sinabi kong malaki ang maitutulong niya upang malutas na ang mga kakatwang nangyayari sa amin lalo na sa anak kong si Gina. Sinabi ni Jane na sunduin ko siya sa Taft Avenue. Sinabi nito ang kanyang isusuot na damit para madali ko siyang makita. Nagbigay din naman ako ng deskripsiyon sa sarili at pati ang isusuot ko. Ang usapan namin ay alas-9 ng umaga.

Bago ang pagpunta ng psychic sa bahay ay para bang lalong nagulo at kung anu-ano pang mga kakatwang pangyayari ang naganap. Para bang hindi nagustuhan ng mga hindi "nakikitang nilikha" ang pagkontak ko sa psychic at lalo pa nilang tinapangan ang ginagawang "paglalaro" o "panloloko" sa amin.

Ako naman ang kanilang biniktima. Nawala ang aking wallet. Ipinatong ko ang wallet sa computer table subalit nang kukunin ko ay wala na. Papasok ako sa school nang umagang iyon. Nasa wallet ang mga mahahalagang papeles, ID, cards, at mayroon ding pera. Mayroon akong natirang 20 dollar bill doon. Hinanap na-ming mabuti ang wallet subalit hindi namin makita. Naging dahilan iyon para hindi ako makapasok sa school.

Kinagabihan, mataas na mataas na naman ang lagnat ni Gina. Nasa salas si Gina at nakahiga sa sopa. Kinunan ko ng temperature at hindi ako maaaring dayain ng paningin. Pumasok ako sa kuwarto subalit bigla akong tinawag ni Gina at sinabing may nakita raw siyang isang maliit na tao, colorful ang suot na damit na tumatakbo patungo sa ibabaw ng mesa. Dala umano ng maliit na tao ang aking wallet. (Itutuloy)

AKO

DALA

GINA

HINANAP

IPINATONG

ITUTULOY

IYON

NIYA

SINABI

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with