Nang tumabi umano sa kanya si Jay nasamyo niya ang pabango nito. Amoy na amoy lalaki. Inilapat nito ang labi sa kanyang pisngi. Gumapang patungo sa kanyang taynga. Nakadama siya ng kiliti at gumapang ang kilabot sa kanyang katawan. Kinagat-kagat ang kanyang taynga. Dumako sa kanyang batok, nagtuloy sa balikat at humantong muli sa kanyang labi. Ibinuka at kinalikaw. Mabango ang hininga ni Jay. Fresh na fresh. Nakadama siya ng lalo pang kiliti nang umusad ang mga labi pababa sa kanyang dibdib. Hinawi ang manipis na pantulog at nasumpungan ng labi ang malulusog niyang dibdib. Dinama ang kalusugan. Nilasahan. Lalo nang sumikad ang pananabik.
Inalis na ang mga sagabal. Isang mabilis na aksiyon na para bang naghahabol. Talaga raw bang ganoon ang pagdaraos ng ritwal. Parang may hinahabol at gustong maabutan. Naging mabilis ang pag-usad ng labi. Bumaba pa nang bumaba. Naging malikot na ang kamay at kung saan-saang dumako. Tumaas-bumaba.
Talaga bang ganoon ang ritwal na ginagawa ng mag-asawa? Pinadapa siya ni Jay. Iniayos sa posisyong banyaga sa kanya. Nakadapa siya? isang nagsusumigaw na bakit ang naglalaro sa isipan niya. Ganoon ba talaga iyon? Kahit wala siyang karanasan sa sex, alam niya kung ano ang dapat magkatapat at maglapat sa ganoong pagkakataon. Pero sa ibang lugar iniulos ni Jay ang kanyang pagkalalaki. Pumasok ang bisita sa likuran, hindi sa harapan!
Napasubsob si Lara sa unan. Pumatak ang kanyang luha. Mahapdi! Masakit! Sa katawan at sa puso. (Itutuloy)