^

Punto Mo

Gusto natin ang mga sikat, kaya buhay nati’y nasilat!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

NAGLIPANA ngayon ang mga kandidatong naglalatag ng kanilang layunin na magserbisyo sa bayan. Handog sakripisyo raw!

Sumasanib sila sa malakas na partido pulitikal na nasa poder at naghahari sa kanilang pamayanan. Sigurado nga naman na makasasalo sila sa kapritso ng pamumudmod na nagmula sa kaban ng bayan. Palaging naririnig sa mga kandidato ang platapormang paglutas sa kahirapan, pero kapag nanalo na ay sila ang nagpapayaman. Nganga ang taumbayan!

Bihira sa mga sikat na personalidad na kandidato ang may plataporma na magsusulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan at edukasyon. Hindi kasi sila ganun! Sa pag-arte lang sila ­magaling. Kaya “plopped” ang gobyerno ni Juan.

Marami sa kanila ang may pinag-aralan, pero hindi nila naging puhunan sa pag-asenso dahil mas madaling kumita sa pagbibida. Kontrabida naman sa mamamayan kapag nanungkulan sa bayan. Cut!!!

Ang impluwensya ng pamumulitika ay minana natin sa mga dayuhan na mas ginusto na manatili tayong mga mangmang upang hindi natin mamalayan ang kanilang pagsasamantala sa ating bayan. Sinakote ito ni Emilio Aguinaldo at noon nga nagsimula ang maruming impluwensya ng pulitika. Kawawang Andres at Procopio!

Mayayaman at may pinag-aralan o mga “Ilustrados” ang mga kinilala nating naging bayani ng bayan. Inialay nila ang kanilang katalinuhan para sagipin ang ating bayan mula sa pang-aapi sa atin ng mga dayuhan. Nag-alay sila ng buhay!

Mayayaman din at may matataas na pinag-aralan ang mga sumunod na naglider sa ating bayan, pero ang karamihan ay nagtaksil sa panunungkulan. Mga “Ignoramus”sa kagandahang asal. Nangurakot sila at ipinamuhay! 249

May paraan pa upang mahango natin ang bayan at mabawasan man lamang ang mga abusadong nanunungkulan sa ating bayan. Pumili tayo ng mga propesyonal na iluluklok natin sa pamamahala ng ating kinabukasan.

Nasubukan na nating iboto ang mga sikat, kaya tayo nasilat!

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with