^

Bansa

Philippines Embassy sa Beijing nakakatanggap ng ‘hate emails’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni consul general Arnel Talisayon nitong Miyerkules na nakakatanggap ang embahada ng Pilipinas sa Beijing ng mga ‘hate emails’ mula sa mga mamamayan ng China sa gitna ng isyu sa sa West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ni Talisayon ang pahayag matapos tanungin ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kung may naiiulat na kaso ng harassment laban sa mga Pilipino na nakatira sa China.

Sinabi ni Talisayon na wala namang naiiulat na harassment laban sa mga Pilipino pero may natatanggap na ‘hate emails’ ang embahada.

“Wala po kaming natatanggap na report mula sa mga Pilipino ng harassment dahil po sa China. But, of course, officially dito po sa Philippine Embassy, we would also sometimes get hate emails from unnamed Chinese citizens. But for the Filipino community po, so far, wala naman kaming na­ririnig na ­balita,” ayon kay ­Talisayon sa CA committee on foreign affairs.

Hiniling naman ni Dela Rosa sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing na ipagpatuloy ang pag-monitor sa mga Pilipino sa China, lalo na kung titindi pa ang tensyon sa WPS.

vuukle comment

BEIJING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with