^

PSN Palaro

2-0 itatayo ng Akari vs ZUS Coffee

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
2-0 itatayo ng Akari vs ZUS Coffee
Pupuntiryahin ng Akari ang ikalawang sunod na panalo, habang itatampok ng ZUS Coffee ang kanilang No. 1 overall pick at isang veteran spiker sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
PVL photo

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Akari ang ikalawang sunod na panalo, habang itatampok ng ZUS Coffee ang kanilang No. 1 overall pick at isang veteran spiker sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Lalabanan ng Chargers ang Thunderbelles ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Choco Mucho Flying Titans at Galeries Tower Highri­sers sa alas-4 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Magkasosyo sa liderato ang Akari, PLDT Home Fibr, Petro Gazz at Chery Tiggo sa magkakapareho nilang 1-0 baraha, habang may magkakawangis na 0-1 marka ang Choco Mu­cho, Galeries Tower, Capital1 Solar Energy at Nxled.

Umiskor ang Chargers ng pahirapang 28-30, 25-15, 25-16, 25-23 panalo sa Highrisers sa pagsisimula ng torneo.

Nagpakitang-gilas si Alas Pilipinas member Faith Nisperos para sa Akari sa kanyang hinataw na 16 points.

“The skills everyday nati-train ‘yan but ‘yung pinaka na-carry over ko from my Alas stint is the confidence,” sabi ng 24-anyos na si Nisperos “So, as long as nandoon ‘yung confidence ko sa sarili ko and trust ko sa teammates ko, I guess I could contribute to the team.”

Hindi nakalaro ang outside hitter sa Chargers sa nakaraang 2024 Reinforced Conference dahil sa kanyang Alas Pilipinas duty.

Samantala, ipaparada ng Thunderbelles sina No. 1 overall selection Thea Gagate at veteran Jovelyn Gonzaga.

Makakasama nina Gagate, miyembro ng Alas Pilipinas, at Gonzaga sina Chinnie Arroyo, Michelle Gamit at Kate Santiago na nagmula sa Farm Fresh Foxies.

Sa unang laro, mag-uunahan sa pagtatala ng unang panalo ang Flying Titans at Highrisers.

Nakatikim ang Choco Mucho ng 20-25-28-26, 21-26, 16-25 pagkatalo sa Petro Gazz, samantalang nakalasap ang Galeries Topwer ng 30-28, 15-25, 16-25, 23-25 kabiguan sa Chargers.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with