^

Bansa

Barbers sa DOJ: Garma, Leonardo kasuhan ng murder

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Quad Committee Chairman Robert Ace Barbers ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong murder sa lalong madaling panahon sina ret. P/Colonels Royina Garma at NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo kaugnay ng ambush-slay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga noong 2020.

Kaugnay ito sa testimonya ni P/Col Santie Mendoza ng PNP-Drug Enforcement Group at impormante nito na si Nelson Mariano na humarap sa pagdinig ng komite noong Setyembre 27 na plinano umano nina Garma at Leonardo ang pagpatay kay Barayuga.

Sa pagdinig, sinabi ni Mendoza na kinontak siya ni Leonardo noong Oktubre 2019, sa utos umano ni Garma, upang ipapatay si Barayuga, isang miyembro ng Philippine Military Academy Matikas Class of 1983 at isang retiradong Police General.

Sina Garma at Leonardo ay nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) at upperclassmen ni Mendoza.

Kinontak naman ni Mendoza si Mariano na siyang naghanap ng hired killer at ang kanyang nakausap ay si “Loloy.”

Ayon kay Mariano ang mga impormasyon ni Barayuga ay ibinigay ni Toks, na trusted aid umano ni Toks gaya ng litrato at sasakyan na gagamitin ni Barayuga ng ­paslangin ito noong Hulyo 30, 2020. Nagbigay din umano ng P300,000 reward si Garma kaugnay ng pagpatay.

Dahil sa viber idinadaan ang usapan, inirekomenda ni Barbers sa DOJ na kunin ang mga cellphone nina Mendoza at Mariano upang magamit na ebidensya.

Ayon naman kay Antipolo City Rep. Romeo Acop na lumilitaw sa pagsisiyasat na pinaslang si Barayuga dahilan tutol ito sa nais ni Garma na palawakin ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) operations ng PCSO kabilang ang paggagawa ng STL franchise sa mga kaibigan ni Garma at mga opisyal ng PNP na malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“That was the real motive. They just made it appear that Atty. Barayuga was involved in drugs. He was a victim of the war on drugs. He was a simple man. He rode public transportation and brought his ‘baon’ to his office,” sabi pa ni Acop.

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with