^

PSN Palaro

Blazers tinapos ang ratsada ng Pirates

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Blazers tinapos ang ratsada ng Pirates
Allen Liwag.
NCAA Philippines

MANILA, Philippines — Kaagad nakabawi mula sa kabiguan ang College of St. Benilde para patuloy na solohin ang liderato ng NCAA Season 100 men’s basketball tournament.

Bugbog-sarado sa Bla­zers ang Lyceum Pirates, 103-78, ka­ha­pon sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City.

Humakot si center Allen Liwag ng 22 points, 12 re­bounds at 1 block para sa 5-1 kartada ng Blazers.

“Pagbalik namin sa en­sayo go-hard na tala­ga, kasi di kami pwede mag-relax. Lahat ng teams gusto kaming talunin eh,” sa­bi ni Liwag.

Nagdagdag si Justine San­chez ng 18 mar­kers at may 10 points si John Mowell Morales na ibin­u­hos niya sa first half kung saan sila nagtayo ng 59-40 abante sa halftime.

Napigilan ang three-game winning streak ng Pirates para sa kanilang 3-3 marka.

Matapos isara ang first period bitbit ang 32-22 abante ay humataw pang lalo ang St. Benilde sa se­­cond quarter para kunin ang 19-point halftime lead.

Mula rito ay hindi na na­kabangon ang Lyceum na nakahugot kay McLaude Guadana ng 26 points.

Sa unang laro, bumira si Cyrus Cuenco ng career-high 26 points para igiya ang Mapua University sa 91-72 paggupo sa San Sebastian College-Recoletos.

Umiskor si reigning Most Valuable Player Clint Es­­ca­mis ng 25 markers pa­ra sa 4-2 baraha ng Car­­­dinals.

May 12 points si rookie Chris Hubilla.

Lagapak ang Stags sa pang-limang sunod na ka­biguan matapos ang 2-0 pa­nimula sa torneo.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with