Cheap pero effective glow-up hacks
Skin glow-up
• Maglagay ng ice o malamig na kutsara sa mukha tuwing umaga para less puffy.
• Petroleum jelly sa lips bago matulog = soft lips paggising.
• Huwag sobrahan ang sabon sa mukha — mas nakaka-dry at nakaka-pimples minsan.
• Magpalit ng pillowcase every week para iwas breakout.
• Uminom ng tubig bago magkape o softdrinks.
Hair glow-up
• Maglagay ng konting hair oil sa dulo ng buhok para mukhang healthy agad.
• Suklayin ang buhok bago matulog para less buhol at less hair fall.
• Rice water o conditioner once a week = softer hair.
• Hanapin ang hairstyle na bagay sa face shape mo instead na sumabay lang sa trend.
Body & hygiene glow-up
• Baby oil after maligo habang medyo basa pa skin = instant kinis glow.
• Magdala lagi ng mini perfume o baby cologne.
• Scrub gamit coffee + sugar + konting oil once a week.
• Malinis na nails at mabangong hininga malaking glow-up agad.
Fashion glow-up
• Neutral colors (white, black, beige) mas mukhang clean at expensive.
• Plantsahin kahit simpleng damit, malaking difference.
• Accessories like maliit na earrings o simple necklace nagpapaganda agad.
• White shoes + clean bag = mas polished tingnan.
Face glow-up
• Ayusin eyebrows, kahit malinis lang tingnan, malaking pagbabago.
• Curl lashes kahit walang makeup.
• Light lip tint sa cheeks at lips para fresh.
• Ngumiti at ayusin posture: sobrang lakas maka-attract.
Mental glow-up
• Matulog nang maaga. Walang skincare na tatalo sa complete sleep.
• Bawasan doomscrolling:: Paulit-ulit na pagi-scrool ng negative news sa social media. Nakaka-stress ito.
• Iwasan ang sobrang daming makeup.
• Kapag mabait at calm ang aura mo, mas gumaganda ka lalo.
- Latest















